Back

ⓘ Kagandahan




Kagandahan
                                     

ⓘ Kagandahan

Ang ganda o kagandahan ay isang katangian ng isang tao, hayop, lokasyon o pook, bagay, o ideya na nagbibigay ng karanasan ng pananaw o hiwatig ng kaligayahan, kahulugan, o pagkapuno. Pinag-aaralan ang kagandahan bilang bahagi ng estetika, sosyolohiya, sikolohiyang panlipunan, at kalinangan. Bilang isang nilikhang pangkultura, labis na naging komersyalisado ang kagandahan. Isang katauhan o katawan ang "huwarang kagandahan" o "kagandahang ideyal" na hinahangaan, o nag-aangkin ng mga katangiang malawakan ibinubunton sa diwa ng kagandahan sa isang partikular na kultura, para sa perpeksiyon.

Kalimitang kinasasangkutan ang pagkaranas ng "kagandahan" ng pagkakaunawa ng ilang mga entidad bilang nasa loob ng balanse at harmoniya ng kalikasan, na maaaring humantong sa mga damdamin ng pagkaakit at mabuting kapakanang pangdamdamin. Dahil isa itong karanasang nasa isip, personal, o pangsarili, malimit na sinsabing "ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin." Sa diwa nitong pinakamarubdob, maaaring magbunga ang kagandahan ng isang kapuna-punang karanasan ng positibong maingat na paglilimi hinggil sa kahulugan ng pansariling pag-iral. Ang paksa ng kagandahan ay anumang bagay na nag-aalingawngaw ng kahulugang pansarili.

Kasingkahulugan ang salitang kagandahan ng maganda, kariktan, dilag, karilagan, bighani, alindog ; maaari ring katumbas ng inam, igi, kaigihan, bentahe, kalamangan, at aya. Partikular na nangangahulugan ang alindog ng matinding kagandahan o napakaganda, na katumbas din ng mga salitang dikit at dingal. Katumbas ng maalindog ang pagiging kaakit-akit. Bukod sa kagandahan, maaari ring tumukoy ang alindog sa karinyo, lambing, kalinga, bait, o kaya sa papuring paimbabaw o tuya.

                                     
  • Ang Kabataan Habambuhay: Ang Gabay ni Cory Quirino tungo sa Kagandahan at Kalusugan ISBN 971 - 27 - 1759 - 3 ay isang aklat na sinulat ni Bb. Cory Quirino
  • Ang mga bulaklak ng buwan Ingles: moonflower tinatawag ding mga kagandahan ng gabi Ingles: night beauty ay tropikal na mga halamang baging na kamag - anakan
  • Ang O Land of Beauty o O Lupain ng Kagandahan sa Tagalog ay ang pambansang Awit ng San Cristobal at Nieves. Sinulat at nito ni Kenrick Georges. Ito ay
  • Biyernes ay mula sa Latin ngalan veneris, o araw ni Venus ang diyosa ng kagandahan at pag - ibig sa mitolohiyang Romano, sa Nordikong mitolohiya tinatawag
  • Inglés: Miss Universe ay isáng taunang pandaigdigang patimpalak ng kagandahan na dinadaraos ng Kapisanan ng Binibining Sansinukob Miss Universe Organization
  • may kinalaman sa kalikasan ng sining, kagandahan at panlasa at kasama ang paglikha o pagpapahalaga sa kagandahan Kadalasan, ang santinganang pagtingin
  • Ang mga batong - hiyas ay mga bato ng kagandahan matapos pinuhin at kinisin mula sa likas na anyo na ginagamit pandekorasyon sa katawan ng tao na nakapagdadala
  • America, isang kathang - isip na karakter ng DC Comics. Miss America Binibing Amerika kapag isinalin isang patimpalak ng kagandahan sa Estados Unidos.
  • Hebreo: יופיאל Kagandahan ng Diyos ay isang arkanghel na nakilala rin bilang Iophiel, Iofiel, Jofiel, Yofiel Banal na Kagandahan Youfiel, at Zophiel
  • Estrada ay isang kilalang nanalo sa isang patimpalak bilang Reyna ng Kagandahan sa Pilipinas. 1983 JR 1982 Gaano kadalas ang minsan? .. Diana 1982 Puppy
  • dahil pagiging sentro ng kalakalan at transportasyon. Dahil sa angkin kagandahan noon, tinawag itong ang palaruan sa Gitnang Silangan Subalit, dahil

Users also searched:

...
...
...