Back

ⓘ Pangulo ng Afghanistan




Pangulo ng Afghanistan
                                     

ⓘ Pangulo ng Afghanistan

Naging republika lang ang Afghanistan noong 1973 hanggang 1992 at mula 2001 hanggang sa kasalukuyan. Bago ang taong 1973 ang estado ay palaging pinamumunuan ng alin man sa mga hari, emir o shah. Nasa pamamahala ito ng mujahideen at rehimeng Taliban mula 1992 hanggang sa huling bahagi ng 2001.

Si Mohammed Daoud Khan ang naging unang pangulo ng Afghanistan noong 1973, matapos niyang wakasan ang kaharian ng kanyang pinsan na si Mohammed Zahir Shah sa isang hindi bayolenteng kudeta. Pinatay siya noong 1978 ng mga kasapi ng Demokratikong Partido ng mga Tao ng Afghanistan na pumili kay Nur Muhammad Taraki bilang kanilang pangulo. Sa kasagsagan ng dekada 1980 at 90 pinamunuan ang bansa ng ibat-ibang mga pangulo, kasama na sina Hafizullah Amin, Babrak Karmal, Mohammad Najibullah, at Burhanuddin Rabbani. Simula noong Disyembre22, 2001, pinamumunuan na ang Afghanistan ng Pamamahalan ni Karzai sa ilalim ni Pangulong Hamid Karzai.

Binibigyan ng Saligang-Batas ng Afghanistan ang pangulo ng malawak na kapangyarihan sa usaping militar at lehislatibo, at may mahinang hawak sa pambansang parlamento. Ito ang ilan sa mga paksang pinagtalunan sa loya jirga ng bansa noong Disyembre 2003. Subalit, nakita ito ng pansamantalang pamamahala at ng mga sumusuportang kanluranin na mahalaga sa katatagan ng Afghanistan.

                                     
  • Ang Afghanistan binabaybay ring Apganistan, at opisyal na Republikang Islam ng Afghanistan Persa: جمهوری طالبانی افیونستان افکونستان Jomhuri - ye Eslāmi - ye
  • kasalukuyang Pangulo ng Afghanistan na nahalal noong 21 Setyembre 2014. Nagkapag - aral bilang antropologo, siya ang dating nagsilbi bilang ministro ng pananalapi
  • host at Dating Host ng Startalk Hulyo 9 Haruomi Hosono, Hapones musiko Agosto 6 Mohammad Najibullah, dating Pangulo ng Afghanistan namatay 1996 Oktubre
  • nang mga karapatan ng kababaihan sa Afghanistan Noong 2014, siya ay pinarangalan ng N - Peace Award Si Hasina Jalal ay nagtapos ng Ekonomiks at Agham
  • ang Ika - 12 Pangulo ng Apganistan, na nagsimulang manungkulan noong 7 Disyembre 2004. Naging kilalang politiko siya matapos ang pagtatapos ng rehimeng Taliban
  • plural ng Arabo طالب tālib, estudyante ay isang Sunni islamong nasyonalista at Pashtun na krusado na makapangyarian nang karamihan ng Afghanistan galing
  • kaligtasan ng kanyang anak. Tinagawan ni Pangulong Mohammad Najibullah ng Afghanistan ang kanyang ina sa tanggapan ng pangulo at nag - ayos ng isang audio video
  • pag - atake sa Gobernador ng Lalawigan ng Kandahar sa Afghanistan 2012 - Pagsabog sa Dnipropetrovsk noong 2012: Ipinangako ng Pangulo ng Ukraine na si Viktor
  • mga bansa ang kasapi ng samahang ito. Ang mga bansang ito ay ang mga sumusunod, pati ang taon kung kailan naging kasapi: Afghanistan 1963 Australia 1950

Users also searched:

...