Back

ⓘ Selena Gomez




Selena Gomez
                                     

ⓘ Selena Gomez

Si Selena Marie Gomez, ay isang Amerikanang aktres, mang-aawit at prodyuser na naging tanyag sa pagganap niya bilang Alex Russo sa orihinal na serye ng Disney Channel na Wizards of Waverly Place.

Kasama ng kanyang karera sa telebisyon, lumabas si Gomez sa mga pelikulang Another Cinderella Story 2008, Princess Protection Program 2009, Wizards of Waverly Place: The Movie 2009, Ramona and Beezus 2010, Monte Carlo 2011, Spring Breakers 2012, Getaway 2013, The Fundamentals of Caring 2016, The Dead Dont Die 2019, at A Rainy Day in New York 2019. Binosesan din niya ang karakter na Mavis sa pelikulang prangkisa na Hotel Transylvania 2012–kasalukuyan, at naging ehekutibong prodyuser ng seryeng pantelebisyon ng Netflix na 13 Reasons Why 2017–2020 at Living Undocumented 2019.

Naglabas si Gomez ng tatlong album sa kanyang dating banda na Selena Gomez & the Scene: Kiss & Tell 2009, A Year Without Rain 2010, at When the Sun Goes Down 2011, na lahat ay lumapag sa pinakamataas na sampu sa tala na Billboard 200 sa Estados Unidos at natamo ang mga sertipikasyong ginto. Karagdagan dito, naglabas si Gomez ng tatlong album bilang solong mang-aawit: Stars Dance 2013, Revival 2015, at Rare 2020, na lahat ay unang lumapag sa Billboard 200. Iniskor niya ang walong single na nasa pinakamataas na sampu sa tala na Billboard Hot 100: "Come & Get It", "The Heart Wants What It Wants", "Good for You", "Same Old Love", "Hands to Myself", "We Dont Talk Anymore" kasama si Charlie Puth, "It Aint Me" kasami si Kygo, at "Lose You to Love Me", ang pinakahuli ang una niyang numero-unong single sa tala.

Noong 2017, naiulat ng Billboard na nakapagbenta si Gomez ng higit sa pitong milyong album at 22 milyong single sa buong mundo. Nakatanggap siya ng ibat ibang papuri at pinarangalan bilang ang Kababaihan ng Taon ng Billboard noong 2017. Marami siyang tagasunod sa social media, at sa isang punto, ang pinakasinusundan na indibiduwal sa Instagram. Abala din si Gomez sa ibang bagay kabilang ang isang linya ng makeup, isang linya ng pananamit, isang linya ng handbag, isang linya ng pabango, at isang kompanyang produksyon na nagngangalang July Moonhead Productions. Nakipagtulungan siya sa ibat ibang mga organisasyong pangkawanggawa at, nang siyay 17 gulang, nahirang siya bilang isang embahador ng UNICEF.

                                     

1. Diskograpiya

Naglabas si Gomez ng tatlong istudiyong album, dalawang EP, at isang kompilasyong album sa solong karera.

Siya ang punong mang-aawit ng dating banda niya na Selena Gomez & the Scene, na naglabas ng tatlong istudiyong album at isang album na remix.

Mga album ng Selena Gomez & the Scene

  • A Year Without Rain 2010
  • When the Sun Goes Down 2011
  • Kiss & Tell 2009
                                     
  • Jascha Washington, Zac Efron, Kathryn Joosten, David Blue, Tony Hawk, Selena Gomez Eric Lutes, Joey King, Mindy Sterling, Daniella Monet, Josh Sussman
  • Ingles Nakuha noong Pebrero 12, 2020. Ng, Philiana Pebrero 27, 2013 Selena Gomez to Headline Radio Disney Music Awards The Hollywood Reporter. Tinago
  • 2002 kasalukuyan Labels Hollywood, Fascination UK Avex Trax Japan Associated acts Jonas Brothers, Selena Gomez Miley Cyrus Website Official Website
  • Stephen Merchant, Christopher Lloyd, Peter Capaldi, Jenna Coleman, Michelle Gomez Troy Baker, Tom Kane, Joel McHale, Elizabeth Banks, Tara Strong and More
  • February 15, 2016 See Taylor Swift celebrate Bad Blood Grammy win with Selena Gomez Entertainment Weekly. Tinago mula sa orihinal noong August 20, 2016
  • noong March 23, 2013. Nakuha noong June 21, 2015. Taylor Swift and Selena Gomez Win at Teen Choice Awards Rolling Stone. August 8, 2011. Tinago mula
  • Nakuha noong January 7, 2019. Rutherford, Kevin January 15, 2014 Selena Gomez Lady Gaga Nominated for Worst Film Performances at Razzies Billboard
  • Peck Hosting Billboard. Nakuha noong July 30, 2015. Justin Bieber, Selena Gomez Zayn Malik Lead Teen Choice Awards 2016 Nominations 2016 - 05 - 24. Nakuha

Users also searched:

...