Back

ⓘ Marky Cielo




                                     

ⓘ Marky Cielo

Si Cielo ay lumaki sa Butuan bago tumira sa Mountain Province noong 2001. Nabibigkas niya ang mga wikang Kankanaey, Ilokano, Tagalog at Bisaya gaya ng Wikang Butuanon at Wikang Cebuano. Ayon sa pangyayari sa kanyang buhay na pinakita sa Magpakailanman, ang mga magulang ni Marky ay naghiwalay noong bata pa sila ng kanyang kapatid na babae. Mag-isa silang inalagaan ng kanyang ina. Nagkita lamang sila ng kanyang ama makalipas ng maraming taon.

                                     

1. Buhay Pang-kolehiyo

Siya ay isang unang taong mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Luis sa Baguio City ng kursong arkitektura bago sumali sa Starstruck. Kabilang din siya sa SLU. Sinabi ng kanyang ama na may plano si Cielo na mag-aral muli subalit pumanaw na siya.

                                     

2. Pagsali sa StarStruck

Tinanggap niya ang paghikayat ng kanyang mga kaklase na sumali sa StarStruck. Napanalunan niya ang titulong Ultimate Male Survivor, at ang titulong Sole Survivor Batch 3. Siya rin ang unang Igorot na sumali sa patimpalak. Isa sa mga napalanunan niya ay ang bahay at lote sa Antipolo na tinitirhan ng kanyang pamilya.

                                     

3. Karera sa Showbiz

Pumasok si Cielo sa larangan ng showbiz pagkatapos ng kanyang pagkapanalo sa StarStruck. Ang kanyang unang palabasay ang Fantastikids kasama nila Isabella de Leon at B.J. "Tolits" Forbes at pagkatapos ay Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas. Namatay ang kanyang ginaganap na tauhan sa mga palabas na Bakekang at Asian Treasures. Sinasabi na ang mga palabas na ito ang tumulong sa pag-taas ng karera ni Cielo. Naging bida si Cielo sa Pilipinong paggawa Uchuu Keiji Shaider bilang Alexis del Mundo o Shaider. Subalit Dennis Trillo at StarStruck Ultimate Hunk Aljur Abrenica ay sinama din dito at pinalitan ang titulo ng programa at tinawag na Zaido: Pulis Pangkalawakan, isang sekwel sa Mga Bayaning Bakal kung saan ginanap niya si Alexis Lorenzo o ang Berdeng Zaido. Sinasabing ang Zaido ay ang pinakamalaking tulong sa kanyang pag-angat bilang artista. Sumali din siya sa Sine Novela: Kaputol ng Isang Awit. Sumali din siya sa Codename: Asero at pagkatapos ay sa LaLola na naging huli niyang palabas sa telebisyion.



                                     

4. Kamatayan

Si Cielo ay natagpuan ng kanyang ina noong Disyembre 7, 2008, noong pumasok ito sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Lungsod ng Antipolo ng mga dakong alas-diyes ng umaga upang gisingin siya para sa isang programang pangkawang-gawa. Siya ay 20 taong gulang. Isang pang-unang ulat ay nagsabing namatay siya habang natutulog. Huling nakita si Cielo sa LaLola, kung saan iniwan niya ang karakter na si "Billy".

                                     

5. Parangal

  • Candy Mags 100 Candy Cuties
  • Starstuck Batch 3 - Ultimate Male Survivor and 1st Sole Survivor
  • Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awardee 2007 - Most Promising Male Artist
  • Yes! Magazines 100 Most Beautiful
                                     
  • araw ang natitira. 1873 - Si Oscar II ay naging Hari ng Suwesya. 1988 - Marky Cielo isang batang artista sa Pilipinas namatay 2008 1990 - Anastacio Caedo
  • Oreng Melanie Marquez bilang Garganta Jewel Mische bilang Ada Romina Marky Cielo bilang Billy Lobregat Enrico Ang Pilipinas ay ang ika - apat na bansa na
  • Fujitani, Haponesang aktres 1991 Dori Sakurada, Hapones na aktor 2008 - Marky Cielo isang batang artista sa Pilipinas ipinanganak 1988 Ang lathalaing
  • Glaiza de Castro bilang Sarah Monteza Lovi Poe bilang Joanna Ambrosio Marky Cielo bilang Eric Valderama Jolo Revilla bilang Marco Salcedo Jennylyn Mercado
  • 一護, Kurosaki Ichigo Binigyan ng boses ni: Masakazu Morita Hapones Marky Cielo Ingles Ang bida ng Bleach, haiskul freshman Ichigo Kurosaki na may
  • sa StarStruck. Nagkarelasyon daw siya sa mga taga - StarStruck na sina Marky Cielo Gian Carlos, Chuck Allie at Benj Pacia ngunit itinanggi niya ang ito
  • kasamaan ni Fuuma - Lear Kubirai. Dennis Trillo bilang Gallian Blue Zaido Marky Cielo bilang Alexis Lorenzo Green Zaido Aljur Abrenica bilang Cervano Torres Red
  • Keating Ara Mina Paolo Montalban Martin Nievera Bong Revilla Ariel Rivera Judy Ann Santos Mel Tiangco Michael V. Miko Sotto Marky Cielo Francis Magalona
  • may - akda at prodyuser na Amerikano ipinanganak 1942 Disyembre 7 Marky Cielo artistang Pilipino ipinanganak 1988 Disyembre 12 Tassos Papadopoulos