Back

ⓘ Captain Barbell (seryeng pantelebisyon)




                                     

ⓘ Captain Barbell (seryeng pantelebisyon)

Ang Captain Barbell ay isang seryeng pantelebisyon na aksyon at pantasya na nilabas ng GMA Network sa Pilipinas. Batay ang serye sa karakter na may kaparehong pangalan na nilikha ni Mars Ravelo. Dinirehe ni Don Michael Perez, pinagbibidahan ito ni Richard Gutierrez bilang si Captain Barbell. Una itong lumabas nooong May at natapos noong 12 Enero 2007 sa kabuuang 165 episodyo.

Ang karugtong na serye ay nilabas noong 2011.

                                     

1. Mga gumanap at karakter

Pangunahing gumanap
  • Gloria Sevilla bilang Carmela "Melay" Magtanggol
  • Richard Gomez bilang Viel
  • Angel Aquino bilang Barbara
  • Patrick Garcia bilang Levi
  • Camille Prats bilang Marikit "Kit" Salvacion
  • JC de Vera bilang Boris
  • Snooky Serna bilang Mrs. B
  • Richard Gutierrez bilang Captain Barbell / Arell / Potenciano "Teng" Magtanggol
  • Jackie Lou Blanco bilang Sandra Magtanggol
  • Paolo Bediones bilang Captain B / Brando
  • Ricky Davao bilang Cesar Magtanggol
  • Ryan Yllana bilang Bobby
  • Rhian Ramos bilang Leah Lazaro
Pansuportang pagganap
  • Elizabeth Oropesa bilang Aurora Salvacion / Lady Amorseko
  • Ian Veneracion bilang Commander X
  • Rufa Mae Quinto at Marissa Sanchez bilang Patti / Aero / Aerobika
  • Jeremy Marquez bilang Jared / Putakti / Cyborg 5564
  • Dion Ignacio bilang Askoboy
  • Jay Aquitania bilang Marvin / Vaporo
  • Gary Estrada bilang Tenorio / Tetano
  • John Lapus bilang Marlon "Mercy" / Mercurio
  • Carlos Morales bilang Ador / Adobe
  • Sunshine Dizon bilang Clarisse Magtanggol / Blanca / Ex-O
  • Wendell Ramos bilang Ruben / Black Out
  • Antonio Aquitania bilang Askoboy
  • Pinky Amador bilang Myra Lazaro
  • Mylene Dizon bilang Magna / Magnetica
  • Jason Hsu bilang Cyborg 5566
  • Mike Gayoso bilang Dexter
  • Bong Alvarez bilang Dribol
  • Dino Guevarra bilang Narciso / Bubog
  • January Isaac bilang Kristiana / Admiral K
Bisitang pagganap
  • Melissa Avelino bilang Chari
  • Tin Arnaldo bilang Tracy
  • Pinky de Leon bilang Victoria
  • Rez Cortez bilang Joe Salvacion
  • Ryan Eigenmann bilang Abel
  • Ces Quesada bilang Agnes
  • Dante Rivero bilang Carlos "Aloy" Magtanggol
  • Tricia Roman bilang isang taga-ulat ng balita sa telebisyon
  • John Regala bilang Lorenzo Lazaro
                                     

2. Marka

Sang-ayon sa marka o ratings ng AGB Nielsen Philippines para sa kabahayan sa Mega Maynila, ang unang episodyo ng Captain Barbell ay umani ng 37.5% na marka habang ang huling episodyo ay umani ng 35.4% marka. May katamtamang marka ang serye na 30.4%, habang nasa 43.7% ang pinakamataas na marka.

                                     
  • tagapagmaneho ng pangkarerang sasakyan. Unang bumida si Ramos sa seryeng pantelebisyon na Captain Barbell noong 2006 at ang Pilipinong adaptasyon ng Koreanovelang
  • Kuno Sharon Cuneta - para sa pelikulang Captain Barbell 1988 Regine Velasquez - para sa pelikulang Captain Barbell 2003 Darna 1951 Darna at ang Babaing
  • line - up, pinakawalan ng GMA ang I Heart You, Pare  Dwarfina, Machete, Captain Barbell Munting Heredera, ang kauna - unahang makasaysayang drama ng Pilipinas