Back

ⓘ Go (laro)




Go (laro)
                                     

ⓘ Go (laro)

Para sa ibang gamit, tingnan ang Go laro paglilinaw.

Ang Go na binabaybay din kung minsan bilang Goe, kilala sa wikang Intsik bilang weiqi at sa wikang Koreano bilang baduk, ay isang sinaunang larong may tabla para sa dalawang manlalaro na natatangi dahil sa pagiging mayaman sa estratehiya sa kabila ng payak nitong mga patakaran sa paglalaro.

Ang larong ito ay nilalaro ng dalawang mga manlalarong naglalagay ng salit-salitang itim at puting mga bato sa ibabaw ng isang bakante o walang lamang mga interseksiyon ng mga grid ng 19×19 na mga guhit. Kapag inilagay na sa laruang tabla, hindi na maililipat ang mga bato sa ibang lugar, maliban na lamang kapag napaligiran sila at nahuli ng mga bato ng katunggali o kalaban. Ang layunin ng laro ay matabanan o makontrol mapaligiran ang isang malaking porsyon o bahagi ng tablang laruan kaysa sa kalaban.

Ang magkakalapit na paglalagay ng mga bato ay nakakatulong sa pagsusuporta nila sa isat isa at maiwasan ang pagkahuli. Sa kabilang banda, ang magkakalayong paglalagay ng mga bato ay nakalilikha ng impluwensiya sa kahabaan ng mas marami pang bahagi ng tabla. Bahagi ng kahirapang pang-estratehiya ng laro ay nagsasanga mula sa paghahanap ng isang balanse sa pagitan ng nagsasalungatang mga nais o layunin. Nagsusumikap ang mga manlalaro na makamit ang mga layunin pampagtatanggol depensa at paglaban opensibo at pumili sa pagitan ng pagmamadaling pangtaktika at mga plano pang-estratehiya.

Nagmula ang Go sa sinaunang Tsina mahigit sa 2.500 mga taon na ang nakararaan. Bagaman hindi talagang nalalaman kung kailan naimbento ang laro, isa nang tanyag na libangan ang laro noong pagsapit ng ika-3 daangtaon, na ipinapakita ng isang pagtukoy sa laro sa Mga Analekto ni Confucius. Nagpapakita ang mga ebidensiyang pang-arkeolohiya na ang maagang anyo ng laro ay nilalaro sa isang tablang may grid na 17×17, subalit sa pagsapit ng panahong lumaganap na ang laro sa Korea at sa Hapon noong bandang ika-7 daangtaon, naging pamantayan na ang mga tablang may grid na 19×19.

Tanyag na tanyag ang laro sa Silangang Asya. Ang isang konserbatibong pagtataya ay naglalagay ng bilang ng mga manlalaro ng Go sa buong mundo sa bandang 27 mga milyon. Nakarating sa Kanluran ang Go sa pamamagitan ng Hapon, ang dahilan kung bakit pangkaraniwang mas nakikilala ito sa pamamagitan ng pangalang Hapones nito orihinal na Igo wikang Hapones: 囲碁).

                                     
  • Tingnan ang GO sa Wiktionary, ang malayang talahulugan. Ang Go GO G.O., o Go ay maaari ring sumangguni sa: Go laro isang abstract na diskarte sa
  • perpektong impormasyon ay kinabibilangan ng chess, go at mancala. Maraming mga laro ng kard ay mga laro ng hindi perpektong impormasyon gaya halimbawa ng
  • Ang board game ay isang laro o laruan na karaniwang nilalarong may mga piyesa sa ibabaw ng isang pook na parang tabla o karton. Ilan sa mga halimbawa ng
  • nagpasiklab sa interes sa laro ang maraming tao sa buong mundo dahil sa serye, at napansin ang pagtaas ng mga naglalaro ng Go sa buong sanlibutan. Shimatsuka
  • Ipinakilala din ng dalawang laro ang mga tampok na dati nang nakikita sa Sun at Moon at Let s Go Pikachu at Let s Go Eevee tulad ng mga panrehiyong
  • Atletika Badminton Basketbol Beysbol Bilyar Bisikleta Boksing Buno Eskrima Go Golp Haki Judo Karate Karera ng mga sasakyang de - motor Kayak Kriket Paghuhubog
  • Productions Go Hard or Go Home Dux Jones Pourin It On Ang laro ay nakatanggap ng unibersal na kritikal na pagpuri. Mga manunuri ng mga laro tulad ng
  • Si Go Ito ipinaganak Marso 23, 1994 ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon. sa Hapones J.League Data Site Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan at
  • Si Go Hatano ipinaganak Mayo 25, 1998 ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon. sa Hapones J.League Data Site Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan at
  • Si Go Hayama ipinaganak Abril 9, 1993 ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon. sa Hapones J.League Data Site Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan at