Back

ⓘ Punk




Punk
                                     

ⓘ Punk

Ang punk ay isang subkulturang kinabibilangan ng ibat ibang pilosopiya, ideolohiya, at porma ng ekspresyon sa musika, pananamit, sayaw, literatura, pelikula, at sining biswal na nagmula o naimpluwensiyahan ng tugtugang punk rock at mga subhenre nito. Maituturing itong kontra-kultura dahil maraming aspekto nito ang sumasalungat sa mga dominanteng pag-aasal at paniniwala ng lipunan.

                                     

1. Etimolohiya

Mula ika-16 hanggang ika-18 siglo ay popular na ang terminong "punk" sa Ingglatera na may negatibong kahulugan bilang "isang puta, patutot, butangero, gangster o sanggano". Gayundin ang pakahulugan ni William Shakespeare sa kanyang mga komedyang The Merry Wives of Windsor 1602 at Measure for Measure 1623. Di rin nalalayo ang pakahulugan ng mga modernong diksiyunaryong Ingles na "isang bagay o tao na inutil at walang kuwenta".

Sa Estados Unidos unang ginamit ang katawagang "punk rock" noong 22 Marso 1970 sa diyaryong Chicago Tribune nang ilarawan ni Ed Sanders bokalista ng The Fugs ang kanilang solo album bilang "punk rock--redneck sentimentality". Nailathala naman sa Disyembre 1970 isyu ng magasing Creem ang panunuya ng peryodistang si Lester Bangs nang ipalagay niya ang mga bandang mainstream "who never make fools of themselves the way that Stooge punk does" bilang paghahambing kay Iggy Pop bokalista ng The Stooges. Si Dave Marsh ang unang kritiko ng musika na gumamit nito sa Mayo 1971 isyu ng Creem nang ilarawan niya ang bandang? and the Mysterians bilang isang "landmark exposition of punk rock". Naisulat din noong 1971 ni Greg Shaw sa kanyang fanzine na Who Put the Bomp: "what I have chosen to call punk rock bands--white teenage hard rock of 64-66 ". Nagkaroon naman ng "Punk Top Ten" sa fanzine na Flash noong Hunyo 1972 bilang pagraranggo sa mga album na lumabas noong 1960s. Mayo 1973 nang lumabas ang panandaliang magasing pangkolehiyo na Punk ni Billy Altman. Mayo rin ng sumunod na taon, 1974, nirebyu ng kritikong si Robert Hilburn sa Los Angeles Times ang pangalawang album ng New York Dolls at nagbanggit na "perhaps the best example of raw, thumb-your-nose-at-the-world, punk rock since the Rolling Stones."

Pagpasok ng 1975, ginagamit na ang salitang "punk" bilang pagkategorya sa kung sinu-sino at magkakaibang bandang rock sa Amerika. Kasabay nito ang pagsikat ng eksena sa isang rock club sa New York na kung tawagin ay CBGBs. Bagamat "street rock" ang bansag ng may-ari ng club na si Hilly Kristal sa nabubuong kilusang underground sa kanyang lugar, ang magasing The Aquarian ang nagbinyag dito ng katagang punk "to describe what was going on at CBGBs". Huling bahagi ng taon nang pumasok sa eksena ang fanzine na Punk katukayo ng nauna na sinimulan ng kartunistang si John Holmstrom, manunulat na si Legs McNeil, at pabliser nitong si Ged Dunn - na pawang magkakaklase sa hayskul. Krusyal ang pagpasok ng Punk sa eksena sapagkat ito ang nagkodipika ng nasabing termino. Ayon kay Holmstrom: "It was pretty obvious that the word was getting very popular. We figured wed take the name before anyone else claimed it. We wanted to get rid of the bullshit, strip it down to rock n roll. We wanted the fun and liveliness back."

                                     

2.1. Musika Garage rock at Mod

Kalagitnaan ng 1960s nang pumutok ang garage rock sa Estados Unidos na isa sa naging ninuno ng punk rock. Tinawag na "garage" rock sapagkat karamihan sa mga baguhang banda ay binubuo ng mga tinedyer na mula sa panggitnang uri na kadalasay nag-eensayo sa garahe ng kani-kanilang bahay sa paligid-lungsod. Dahil sa walang-karanasan sa musika at pagtugtog ng instrumento, karaniwan nang paungol ang pag-awit - kundi man pasigaw, distorted ang tunog ng gitara - salamat sa "fuzzbox", at humigit-kumulang sa tatlo ang chords - tulad na lamang ng kantang "Louie, Louie" na kinober ng The Kingsmen. Ang minimalistang tunog ng garage rock ay naimpluwensiyahan ng British Invasion gaya ng mga bandang mod sa Ingglatera na The Small Faces at The Who - nagpasikat sa awiting "My Generation". Tulad ng kantang "All Day and All of the Night" ng The Kinks, ang "predecessors of the whole three-chord genre--the Ramones 1978 I Dont Want You, for instance, was pure Kinks-by-proxy." Bagamat di maikakategoriyang punk rock, marami sa mga bandang garage rock ang isa sa mga unang binansagan ng "punk" ng midya.

                                     

2.2. Musika Proto-punk

Mula huling bahagi ng 1960s hanggang unang bahagi ng 1970s, naglitawan ang mga grupong magkakaiba ang tunog ngunit maituturing na maimpluwensiya influential sa pagsilang ng punk rock. Ayon sa gabay ng Allmusic, kabilang ang mga nasabing banda sa bansag na proto-punk bagamat hindi ito "cohesive movement, nor was there a readily identifiable proto-punk sound that made its artists seem related at the time," at ang tanging nagbibigkis sa isat isa ay ang kani-kanilang aktitud o itsura na "consciously subversive and fully aware of its outsider status."

Sumulpot noong 1969, ang debut albums ng dalawang grupong garage rock mula sa Michigan ang magiging sentral sa tunog ng proto-punk: ang Kick Out the Jams ng MC5 mula sa Detroit, kung saan "most of the songs are barely distinguishable from each other in their primitive two-chord structures" na maikukumpara sa tugtugan ng mga naunang bandang garaheng bato gaya ng Blue Cheer,? and the Mysterians, at The Kingsmen; at ang self-titled album ng The Stooges sa pangunguna ng bokalista nitong si Iggy Pop - itinuturing na "Godfather of Punk" - na tila ba "sound of Chuck Berrys air-mobile after thieves stripped it for parts." Ang The Stooges ay pinrodyus ni John Cale ng grupong experimental rock sa New York na The Velvet Underground --na may "reputation as the first underground rock band." Samantala, maimpluho rin ang bandang The Modern Lovers ni Jonathan Richman na isang deboto ng V.U. sa Boston.

Bukod sa mga nabanggit, ang ilan pang pangkat o indibidwal na malaki ang naiambag sa pagdebelop ng punk rock ay ang glam na The New York Dolls, ang Rocket from the Tombs, sina Lou Reed ex-V.U. at Captain Beefheart, ang elektronikang duo na Suicide, at ang triong Death mula sa Amerika; si David Bowie, ang space rock na Hawkwind, at ang mga grupong art rock na Roxy Music at Doctors of Madness mula sa Ingglatera; at ang krautrock naman na Neu! mula sa Alemanya.



                                     

3. Sanggunian

  • Savage, Jon 1991. Englands Dreaming: The Sex Pistols and Punk Rock London: Faber and Faber.
  • Abbey, Eric James 2006. Garage Rock and Its Roots: Musical Rebels and the Drive for Individuality N.C: McFarland & Co.
  • Harrington, Joe S. 2002. Sonic Cool: The Life & Death of Rock n Roll Milwaukee: Hal Leonard.
  • Shapiro, Fred 2006. Yale Book of Quotations New Haven: Yale University Press.
  • Marcus, Greil, ed. 1979. Stranded: Rock and Roll for a Desert Island New York: Knopf.
  • Taylor, Steven 2003. False Prophet: Field Notes from the Punk Underground Middletown: Wesleyan University Press.
  • Laing, Dave 1985. One-Chord Wonders: Power and Meaning in Punk Rock Philadelphia: Open University Press.
  • Gendron, Bernard 2002. Between Montmartre and the Mudd Club: Popular Music and the Avant-Garde Chicago: University of Chicago Press.
  • Sabin, Roger 1999. Punk Rock, so What? The Cultural Legacy of Punk London: Routledge.
                                     
  • Ang post - punk orihinal na tinatawag na new musick ay isang malawak na genre ng musikang rock na lumitaw noong huling bahagi ng 1970s habang ang mga artista
  • Punk rock o simpleng punk ay isang genre ng musika na lumitaw noong kalagitnaan ng 1970s. Naipalabas noong 1960s na garage rock, tinanggihan ng mga punk
  • Ang Hardcore punk na kadalasang tinatawag na hardcore, ay isang subgenre ng punk rock na orihinal na nagmula sa Hilagang Amerika. Going Underground: American
  • Ang Post - punk revival na kilala rin bilang new wave revival garage rock revival o new rock revolution ay isang uri ng indie rock na binuo noong
  • pagkatapos ng punk rock, kabilang ang mga punk mismo, ngunit maaaring tiningnan nang retrospectively bilang isang mas naa - access na katapat ng post - punk Bagaman
  • manlalaro sa orihinal na alon ng punk rock ng British. Nag - ambag din sila sa mga post - punk at new wave na lumitaw sa mga punk at gumamit ng mga elemento ng
  • progressive rock, at punk rock. Noong dekada 1980, namayagpag ang mga ilang uri na rock na kabilang ang new wave, hardcore punk at alternative rock. Noong
  • matagumpay na nai - promote at naibenta ang mga tala sa pamamagitan ng punk rock at maagang post - punk at indie pop band tulad ng the Smiths at Desperate Bicycles
  • panahon ng post - punk Sa una ay nauugnay sa eksena ng punk mabilis na nagbago ang banda upang lumikha ng isang form ng post - punk discord na puno ng
  • Ang Emo ay isang uri ng hardcore punk na naglalarawan ng pag - iibang anyo ng musika sa mga pangkaraniwang ugat. Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong
  • Ang Ramones ay isang Amerikanong punk rock band na nabuo sa kapitbahayan ng New York City ng Forest Hills, Queens noong 1974. Madalas silang binanggit
  • label, na may isang roster ng pangunahing indie rock, ngunit din ang mga punk rock, experimental rock, alternative rock, at mga elektronikong kilos. Opisyal

Users also searched:

...
...
...