Back

ⓘ Antipatro ng Bostra




                                     

ⓘ Antipatro ng Bostra

Si Antipatro ng Bostra o Antipatro, Obispo ng Bostra sa Arabia ay isang Griyegong prelado at isa sa mga pangunahing lider ng Silanganing Kristiyanismo noong ika-5 siglo. Ginugunita ng Silanganing Ortodoksiya ang kanyang kapistahan tuwing Hunyo 13.

Kakaunti lamang ang nalalaman tungkol sa kanyang buhay, maliban sa siyay namayagpag at tiningala ng kaniyang mga kasabayan noong mga 460, mapa-simbahan man o mapa-pamahalaan. Kilala siyang kalaban ng mga tagasunod ni Origenes. Sa isang komprehensibong sulat, tahasan niyang pinabulaanan ang "Paghingi ng Tawad kay Origenes," ginawa nila Pamphilus at Eusebius ng Caesaria noong mga 309. Kinilala ito bilang isang dalubhasang komposisyon, at hanggang 540, itoy iniutos basahin sa mga simbahang Silanganin, bilang pangontra sa pagkalat ng erehiya ni Origenes. Kinilala rin siyang may awtoridad na manunulat ng simbahan ng mga Ama ng Ika-7 Heneral na Konsilyo 787. Sumulat din siya ng mahabang pag-aaral laban sa mga Apollinarist at maraming homiliya kasama, rito ang dalawa tungkol sa kapanganakan ni San Juan Bautista at sa Pagbati ng Anghel kay Maria.

                                     
  • Antipatro ng Bostra isa sa mga tinuturing na Ama ng Konsilyo ng Efeso na nagsabing: Kaaba - aba kang taos - pusong namamagitan bilang Tagapamagitan ng sangkatauhan

Users also searched:

...