Back

ⓘ Pinoy Big Brother: Teen Edition 4




                                     

ⓘ Pinoy Big Brother: Teen Edition 4

Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 ay ang ika-apat na edisyon ng pang-kabataang bersyon ng Pinoy Big Brother na kasalukuyan ipinapalabas ngayon sa ABS-CBN. Nagsimula ang edisyong ito noong Pasko ng Pagkabuhay, ika-walong Abril taong dalawang libo’at labing-dalawa. Sila Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Robi Domingo ang mga nagbabalik na hosts sa edisyong ito, kasama na din si John Prats na dating kasambahay ni Kuya.

Ginanap ang mga awdisyon sa mga pangunahing lungsod di lamang sa loob ng Pilipinas kundi pati na din sa iba’t ibang panig ng mundo. Tinatayang mahigit dalawampu’t dalawang libo’t tatlong daan at lima na mga kabataang Pilipino ang nag-awdisyon sa edisyong ito. Labing-limang kasambahay ang pumasok sa Bahay ni Kuya sa edisyong ito, siyam noong pagsisimula at anim noong pangalawang araw.

                                     

1. Pangkalahatang-Ideya

Tema ng bahay ni Kuya

Ang Bahay ngayon ay hindi naman masyadong kalayuan ang itsura sa bahay buhat pa noong Unlimited, maliban na lamang sa ginawang pangkalahatang paggayak na tinatayang umabot lamang ng isang linggo matapos ang nakaraan edisyon. Sinasabing ito daw ang pinakamabilis na House makeover. Natutunghayan natin na ang bahay ni Kuya ay nahahahati sa tatlong bahagi: ang bahay mismo, ang hardin, at ang activity area. Ang bahay ay ginayakan ng mistulang retro nostalgic na tema, na siyang nakatuon sa dekada sistenta at otsenta.

                                     

2. Ang Pagkasunod-sunod ng mga Mahahalagang Pangyayari

Sa baba nito ay ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari, liban na lamang ang mga nominasyon at eviction nights. Ang bahagi ding ito ay nagtatala ng listahan ng mga voluntary at temporary exits, entrances of houseguests, mga bisita, bagong mga kasambahay, at iba pang pangyayari na nakakaapekto sa mga kasambahay na tumitira sa loob ng bahay ni Kuya. Ipinagpalagay na ang Abril 1 ang unang araw sa edisyong ito.

                                     

2.1. Ang Pagkasunod-sunod ng mga Mahahalagang Pangyayari Unang linggo

  • Unang araw: Ang kambal na sina Jai at Joj ang mga unang pumasok sa hapon ng unang araw na iyon sa bahay ni Kuya upang magsagawa ng isang lihim na tungkulin para kay Kuya. Nang sumapit ang gabi, ang pangkat na kinabibilangan ng mga lalaki na sina Tom, Roy, Ryan, Yves, Vincent, Alec and Kit ang syang sunod na pumasok sa bahay ni Kuya. Ang mga lalaking kasambahay ay inatasang magsuot ng goggles na naging sagabal upang makita ang isa’t isa.
  • Ikalawang araw: Ang pangalawang pangkat ng mga kasambahay na binubuo ng pawang mga kababaihan na sina Myrtle, Mariz, Nika, Clodet, Karen at Claire ay pumasok noong hapon ng pangalawang araw sa Über show.
  • Ikatlong araw: Ang mga kalalakihan ay naatasang yumugyog sa tutog ng" Kabataang Pinoy” ng matanggal nila ang kanilang mga goggles. Ang mga babae naman ay naatasang magturo sa mga lalaki ng sayaw, ito ay nagpayabong ng namumuong alitan sa pagitan ni Claire at Karen. Pagkatapos ng sayaw, ang mga babae ay pumili ng apat na lalaki na pinakamagaling na sumayaw. Ang mga napili ay sina Alec, Roy, Tom at Vincent, at dahil dito sila ang unang nakapagtanggal ng mga goggles sa kanilang mga mata.
  • Ikaapat na araw: Para sa kanilang lingguhang tungkulin weekly task, ang mga lalaki ay nararapat na mapatugma kahit lima lalake lamang na pangalan ng mga babae, kung saan sila ay nagwagi. Samantala, si Mariz naman ay nagkuwento patungkol sa plano nilang kasalan ng kaniyang kasintahan. Nagreaksiyon naman si Karen sa mga kilos ni Kit at sinabi ito ni Claire kay Kit, kung saan nagalit sa kanya si Karen. Ngunit bago magtapos ang araw, si Claire at Karen naman ay nagkapatawaran din.
  • Ikalimang araw: Sinubukan ng mga lalaki na manuyo sa babaeng kanilang gustong maging petsa sa darating na partido.


                                     

3. Kasaysayan ng Nominasyon

Ang unang kasambahay na mababanggit sa bawat nominasyon ay makakakuha agad ng karagdagang dalawang puntos, samantalang ang pangalawa namang mababanggit ay makakakuha ng isa. Ang porsyento ng mga boto na ipinakikita ay ang porsyento ng mga boto upang makapagligtas maliban na lamang kung ito ay ipinahayag.

                                     
  • Disyembre 7, 1994 ay isang aktres at Cosplayer na nagwagi sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 noong 2012. Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista at Pilipinas
  • miyembro ng Hashtags sa It s Showtime. At isang housemates sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 kasama sina Joj at Jai Agpangan, Myrtle Sarrosa, Karen Reyes
  • kabilang sa mga housemates sa bahay ni Kuya sa edisyon nang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 taong 2012. Siya ngayon ay kasalukuyan nag - momodelo sa ilang
  • silang dalawa na isa sa mga kalahok sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 katungali nya rito si Myrtle Sarrosa nang Big 4 sa kanilang edisyon na tubong taga
  • 2010 2018 Pinoy Big Brother 2005 2019 Pinoy Boyband Superstar 2016 Pinoy Dream Academy 2006 2008 Pinoy Fear Factor 2008 2009 Pinoy Mano Mano:
  • din ang mga pang programang telebisyon tulad ng: Pinoy Big Brother Season 3, PBB Teen Edition 3, Pinoy Dream Academy 3, Win Ang Family, Petiks, PHR Presents:

Users also searched:

...