Back

ⓘ Chūnibyō Demo Koi ga Shitai!




Chūnibyō Demo Koi ga Shitai!
                                     

ⓘ Chūnibyō Demo Koi ga Shitai!

Ang Chūnibyō Demo Koi ga Shitai! 中二病でも恋がしたい!, literal na konteksto Kahit ang mga taong may Adolescent Delusyon ay gusto ring Umibig!, na kilala rin sa tawag na" Chu-2-Koi”, ay isang maikling nobela na isinulat ni Torako. At isinalarawan ni Nozomi Osaka. Ang nobela ay nanalo sa patimpalak ng Kyoto Animation na" Honorable Mention” na ginanap noong taong 2010. Dahil na rin dito ay pinangunahan ng Kyoto Animation ang paglathala ng dalawang volume noong 2011 na isinulat ng may akda. Pinangunahan na rin ng Kyoto Animation ang pagsawa ng anime na ipinalabas sa Japan noong Oktubre 4 hanggang 19 Disyembre 2012.

                                     

1. Balangkas

Si Yuuta Togashi ay isang batang lalake sa Junior High School na kung saan ay nagkaroon siya ng tinatawag na" Chuunibyou” o tinatawag na Eight Grade Syndrome sa Amerika. Dahil dito pinaniniwalaan niya na mayroon siyang angking kapangyarihan at tinatawag niya ang kanyang sarili na" Dark Flame Master” na kung saan pinapakita niya sa kanyang mga kamaga aral sa pamamagitan ng ibat ibang paraan na nakikita sa telebisyon. Nang siya ay nakatapos na sa Junior High, siya ay nagmature na at napagtanto na ang kanyang mga ginawa noong siya ay Junior High School ay Nakakahiya. Dahil dito ay itinapon na niya ang kanyang lumang sarili at kinalimutan ang mga nangyari sa nakaraan. Ngunit hindi ito naging madali ng makilala niya ang kanyang kaklase na nagngangalang" Rikka Takanashi”. Sa kabila ng pagiging isang High School student si Rikka Takanashi ay mayroon pa ring sintomas ng Chuunibyou at dahil dito ay nagkainteres siya kay Yuuta.

Nang tumagal at kinalaunan ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Sinasamahan palagi ni Yuuta si Rikka sa kanyang mga gawain. Katulad ng pagbuo ng school club, pagsama sa kanyang paguwi sa bahay, pag tutor sa kanyang mga takdang aralin at kung ano pa. Nang tumagal at magbabakasyon na ay pinakiusapan si Yuuta ng kapatid ni Rikka Tooka na samahan siya sa kanyang Bakasyon pag summer. Dahil sa wala namang gagawin si Yuuta ng mga panahong iyon ay naisipan na rin niyang sumama sa kanyang bahay bakasyunan. Nang Lumaon, ay napagalaman ni Yuuta ang dahilan kung bakit may" Chuunibyou” pa rin si Rikka. At ito ay dahil sa pagkamatay ng kanyang Ama na sanhi ng malubhang sakit. Naisip ni Yuuta na ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Chuunibyou si Rikka ay dahil na rin sa pagkamatay ng kanyang ama. Dahil dito ay sinamahan ni Yuuta si Rikka at nangako na hahanapin ang" eternal horizon” na kung saan ay pinaniniwalaan niya na makikita niya muli ang kanyang ama. Dahil na rin doon ay unti unting nahulog ang loob ni Rikka kay Yuuta.

                                     

2. Mga kawing panlabas

  • Chūnibyō Demo Koi ga Shitai! anime sa Ensiklopedya ng Anime News Network
  • Light novel official website sa Hapones
  • Anime official website sa Hapones
  • Pinoy Anime Online Portal