Back

ⓘ Vic Zhou




Vic Zhou
                                     

ⓘ Vic Zhou

Zhōu Yú Mín ang taal na porma ng pangalang ito. Ginagamit sa artikulong ito ang Kanluraning pagkakasunud-sunod ng pangalan.

Si Vic Zhou ay isang aktor, mang-aawit at modelo mula sa Taiwan. Siya ay kabilang sa tanyag na pangkat ng mga kalalakihang mang-aawit sa Taiwan na tinatawag na F4. "Vic Zhou" ang kanyang screen name samantalang ang kanyang pangalan sa Ingles ay "Andy Zhou".

Ipinanganak siya noong Hunyo 9, 1981, dahilan upang siya ang maging pinakabata sa apat na kasapi ng F4. Ang kanyang lola ang siyang nagbigay sa kanya ng palayaw na Zàizài 在在, na ang ibig sabihin ay "maliit na bata". Kilala rin siya ng kanyang mga tagahanga sa palayaw na ito.

Siya ay nadiskubre ng isang direktor noong sinamahan niya ang isang kaibigan na mag-audition para sa papel sa dramang Meteor Garden 流星花園, pinyin: Liú Xíng Huā Yuán. Ang Meteor Garden ay hango sa isang manga, tawag sa komiks na Hapon, na pinamagatang, Hana Yori Dango 花より男子, sa Filipino: Ang mga Lalaking Higit pa sa mga Bulaklak. Siya ay napasama upang gumanap sa papel ni Huā Zé Lèi 花沢類, isang tahimik at mababang loob na lalaki na umibig sa bidang babaeng si Shān Cài 杉菜 na ginampanan naman ni Barbie Xu 徐熙媛, pinyin: Xú Yí Yuán. Sa nasabing pagganap ay nagging tanyag si Vic at marami ang kanyang mga naging tagahanga na sumusuporta sa kanya maging sa mga sumunod pa niyang pagganap.

Noong una ay sinikap niyang tapusin ang kanyang kursong mechanical engineering sa Taiwanese Technical Institute sa Taiwan. Subalit sa dami ng mga tagahangang nagpupunta sa kanyang paaralan sa pagnanais na siya ay makita, ipinasya niyang lumipat ng paaralan nang dalawang beses. Nagkagayon man, tumigil siya sa kanyang pag-aaral dahil sa pagiging abala niya sa kanyang larangan.

Maliban sa Meteor Garden, lumabas din siya sa hindi iilang mga seryeng Taiwanese tulad ng Poor Prince, Meteor Rain, Meteor Garden II ikalawang yugto ng Meteor Garden I, Come To My Place at Love Storm. Ang kanyang pinakabagong serye ay pinamagatang War God Mars, kung saan muli niyang nakatambal si Barbie Hsu. Lumabas din siya sa palatuntunang pantelebisyong sa Taiwan, ang ABCDEF4, kasama ang tatlo pang kasapi ng F4.

Mayroon siyang mga patalastas tulad ng sa softdrink, eye drops, shampoo, sapatos, kompyuter, cellular phone, motorsiklo, damit, kendi at gatas.

Siya ang kauna-unahang kasapi ng F4 na nakapaglungsad ng sariling album nang lumabas ang Make a Wish noong Enero 2002. Sinundan ito ng Remember I Love You 記得我愛你, pinyin: Jì De Wǒ Ài Nǐ na inilunsad noong Enero 2004. Umawit rin siya ng ilang awitin para sa mga album ng F4 tulad ng dalawang kanta para sa Meteor Rain 流星雨, pinyin: Liú Xīng Yǔ, na lumabas noong Marso ng 2002 at dalawa pang kanta sa Fantasy 4ever, na inilunsad noong Enero ng 2003. Ang kanyang mga album at mga album ng F4 ay inilunsad sa ilalim ng Sony Music Taiwan.

Naglabas din siya ng photo album noong Oktubre 2002, na pinamagatang Travel Dream na nagtatampok ng kanyang mga larawan na kinunan noong siya ay namasyal sa Hokkaido, Japan.

                                     

1. Filmography

  • Coming Home 回家 pinyin: Huí Jiā bilang Su Taiying 蘇台英
  • Sweet Relationship 美味關係, pinyin: Měi Wèi Guān Xì bilang Fang Zhitian 方織田
  • Meteor Garden I - bilang Huā Zé Lèi 花沢類
  • Come to my Place 来我家吧, pinyin: Lái Wǒ Jiā Bǎ
  • The Flames Daughter 烈火如歌, pinyin: Liè Huǒ Rú Gē bilang Yin Xue 銀雪
  • Meteor Rain - bilang Huā Zé Lèi 花沢類
  • Wish to See You Again 這裡發現愛, pinyin: Zhè Lǐ Fā Xiàn Ài bilang Xu Le 許樂
  • Meteor Garden II - bilang Huā Zé Lèi 花沢類
  • Love Storm 抂愛龍捲風, pinyin: Kuáng Ài Lǒng Juǎn Fēng - bilang Lu Yin Feng
  • Memoirs Of Madam Jin 金大班最後一夜, pinyin: Jīn Dà Bān Zuì Hòu Yī Yè bilang Sheng Yue Ru 盛月如
  • Silence 深情密碼, pinyin: Shēn Qíng Mì Mǎ bilang Qi Weiyi 戚偉易
  • ABCDEF4
  • Beauties in the Closet 櫃中美人, pinyin: Guì Zhōng Měi Rén bilang Li Han 李涵
  • Mars 戰神Mars, pinyin: Zhàn Shén Mars - bilang Ling 零
  • Black and White 痞子英雄, pinyin: Pǐ Zi Yīng Xióng bilang Chen Zai Tian 陳在天
  • Poor Prince
                                     

2. Discography

Make A Wish 2002

  • Even Fairy Tales Are Not Good Enough - 童話還不夠美好 pinyin: Tóng Huà Hái Bú Gòu Měi Hǎo
  • Make A Wish
  • A Gentle Good Night - 溫柔的晚安 pinyin: Wēn Róu De Wǎn Ān
  • Love Loves You - 愛在愛妳 pinyin: Zài Ài Nǐ
  • It Hurts My Heart - 心疼 pinyin: Xīn Téng
  • If It Was Not For Loving You - 要不是愛上你 pinyin: Yào Bú Shì Ài Shàng Nǐ
  • Broken Tears - 破碎的眼淚 pinyin: Pò Suì De Yǎn Lèi
  • Loving You
  • Hotline For Help - 求救專線 pinyin: Qiú Jiù Zhuān Xiàn
  • With Me And You - 有我有你 pinyin: Yǒu Wǒ Yǒu Nǐ

Remember I Love You 2004

  • I Breath You - 我呼吸你 pinyin: Wǒ Hū Xī Nǐ
  • Why Didnt You Come - 為何你不来 pinyin: Wéi Hé Nǐ Bú Lái
  • Try To Love Me For A Day - 試著愛我一天 pinyin: Shì Zhù Ài Wǒ Yì Tiān
  • Remember I Love You - 記得我愛你 pinyin: Jì Dé Wǒ Ài Nǐ
  • Your Body Temperature - 你的體温 pinyin: Nǐ De Tī Wēn
  • Message Of Three Thousand Years - 三千年的留言 pinyin: Sān Qiān Nián De Liú Yán
  • Suddenly - 忽然 pinyin: Hū Rán
  • How To Forget - 怎麽忘 pinyin: Zěn Me Wàng
  • Mama Said - 媽媽説 pinyin: Mā Shuì
  • Guarantee Of Happiness - 幸福的保證 pinyin: Xìng Fú De Bǎo Zhèng

Meteor Rain 2002

  • Persistence For You - 為你執著 pinyin: Wé Ni Zhí ZhùTrack 5
  • The Most Special Existence - 最特别的存在 pinyin: Zuì Tè Bié De Cún Zài Track 10

Fantasy 4ever Enero 2003

  • How Come Its You - 怎麽會是你 pinyin: Zěn Me Huì Shì NǐTrack 10
  • Lonely Winter - 一個人的冬季 pinyin: Yī Gè Rén De Dōng Jì Track 4

I am Not F4 Oktobre 2007

  • Love You, Hate You - 愛你恨你 Pinyin: Ài Nǐ Hèn Nǐ
  • Have No Friends - 有没友 Pinyin: Yǒu méi You
  • Fall in Love with This World - 爱上这世界 Pinyin: Ài Shàng Zhè Shì Jiè
  • MISSING YOU
  • wherever you are Bonus Track
  • Perfect Idol - 完美偶像 Pinyin: Wán Měi ǒu Xiàng
  • 1+1 - 一加一 Pinyin: Yī Jiā Yī
  • Blue Whale - 藍鯨 Pinyin: Lán Jīng
  • Who is He? 他是誰 Pinyin: Tā Shì Shuí
  • Mosaic - 馬賽克 Pinyin: Mǎ Sài Kè
  • I am Not F4 - 我不是F4 Pinyin: Wǒ Bù Shì
                                     
  • Binigti si Claudia Octavia. 1963 - Johnny Depp, Amerikanong aktor 1981 - Vic Zhou artista mula sa Taiwan BBC: On This Day Ang lathalaing ito na tungkol

Users also searched:

...