Back

ⓘ Mga ama ng simbahan




Mga ama ng simbahan
                                     

ⓘ Mga ama ng simbahan

Ang mga ama ng simbahan o church fathers ang mga sinaunang maimpluwensiyang mga teologong Kristiyano. Ang katagang ito ay ginagamit sa mga manunulat o gurong Kristiyano na hindi kinakailangang mga ordinado at hindi rin kinakailangang mga santo. Sina Origen at Tertullian ay kadalasang itinuturing ng mga ama ng simbahan ngunit hindi itinuring na mga santo dahil sa kanilang mga paniniwalang kalaunang itinuring ng ilang mga Kristiyano na eretikal. Ang karamihan sa mga ama ng simbahan ay itinuturing na mga santo sa mga simbahang Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Ortodoksiyang Oriental, Anglicano, Lutherano at iba pa.

                                     

1. Pag-aaral ng ama ng simbahan

Ang pag-aaral ng mga ama ng simbahan ay kilala bilang Patritisika. Ang mga kasulatan ng "mga ama ng simbahan" bago ang Kristiyanismong Niceno noong 325 CE ay isinalin sa wikang Ingles noong isang ika-19 siglong sa isang koleksiyon ng mga amang ante-niceno o bago ang niceno. Ang mga kasulatang isinulat noong Unang Konseho ng Nicaea at hanggang sa Ikalawang Konseho ng Nicaea 787 ay tinipnon sa mga amang Niceno at pagkatapos-ng-Niceno.

                                     

2. Mga dakilang ama ng simbahan

Sa bawat Silangang Kristiyanismo at Kanluraning Kristiyanismo, ang apat na ama ay tinatawag na "Mga Dakilang Ama ng Simbahan":

  • Silangang Kristiyanismo: Basilio ng Caesareac.329-379, Atanasio ng Alehandriya c.296-373, Gregorio ng Nazianzus 329-c.389 at Juan Crisostomo 347-407
  • Kanluraning Kristiyanismo: Ambrosio 340-397, Jeronimo 347-420, Agustin ng Hipona 354-430 at Dakilang Gregorio 540-604

Sa Simbahang Katoliko Romano, ang mga ito ay tinatawag ring "ang walong mga doktor ng simbahan".

                                     

3. Mga apostolikong ama ng simbahan

Ang mga pinakamaagang mga ama ng simbahan ay karaniwang tinatawag na mga apostolikong ama dahil sa inaangking tradisyon na ang mga amang ito ay tinuruan ng apostol ni Hesus. Ang mga ito ay sina Clemente ng Roma, Ignacio ng Antioquia, at Policarpio ng Smyrna. Sa karagdagan, ang mga kasulatang Didache at Pastol ni Hermas ay karaniwang ibinibilang sa mga kasulatan ng mga apostolikong ama bagaman hindi alam ang mga may akda nito. Tulad ng mga kasulatan nina Clemente, Ignacio at Policarpio, ang mga ito ay unang isinulat sa Griyegong Koine.

                                     

3.1. Mga apostolikong ama ng simbahan Clemente ng Roma

Ang liham ni Clemente na 1 Clemente c.96, ay malawakang kinokopya at binabasa sa sinauanng simbahan. Ito ang pinakamaagang liham na Kristiyano sa labas ng naging Bagong Tipan.

                                     

3.2. Mga apostolikong ama ng simbahan Ignacio ng Antioquia

Si Ignacio ng Antioquia c.35-110 ang ikatlong obispo o Patriarka ng Antioquia at inaangking isang estudyante ni Apostol Juan. Siya ay hinatulan at tumungo sa Roma upang lapain ng mga mababagsik ng hayop. Siya ang ikalawang manunulat pagkatapos ni Clemente na bumanggit sa mga sulat ni Pablo.

                                     

4. Mga Griyegong ama ng simbahan

Ang mga indibidwal na sumulat sa wikang Griyego ay tinatawag na mga amang Griyego ng simbahan. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Clemente ng Roma, Irenaeus ng Lyons, Clemente ng Alehandriya, Atanasio ng Alehandriya, Juan Crisostomo, Cirilo ng Alehandriya, Mga amang Capadocio. Bagaman sinipi niya ang karamihan ng mga aklat sa naging kanon ng Bagong Tipan, hindi niya binanggit o sinipi ang Sulat kay Filemon, 2 Pedro, 3 Juan at Sulat ni Judas. Kabilang sa mga "kasulatang" kanyang sinipi ang 1 Clemente at Pastol ni Hermas.

Kanyang sinalungat ang Kristiyanismong Gnostisismo sa kanyang aklat na Ukol sa Pagtukoy at Pagpapabagsak ng tinatawag na Gnosis o mas kilala bilang Laban sa Erehiya. Bago ang pagkakatuklas ng mga kasulatang gnostiko sa Aklatang Nag Hammadi noong 1945, ang paglalarawan ni Ireneus ang tanging alam na paglalarawan ng Gnostisismo. Ayon sa mga skolar, maling kinatawan o maling naunawaan ni Irenaeus ang mga paniniwala ng mga gnostikong Kristiyano. Halimbawa, kanyang inilarawan ang mga pangkat gnostiko bilang mga hayok sa laman gayong ang mga kasulatang gnostiko ay nagtataguyod ng pagpipigil sa pakikipagtalik na mas masidhi pa kesa sa mga kasulatan ng mga kalaunang naging ortodoksiya na tumuligsa sa mga gnostiko.

Si Irenaeus rin ang unang Kristiyano na gumamit ng doktrinang apostolikong paghalili upang salungatin ang kanyang mga katunggali.



                                     

4.1. Mga Griyegong ama ng simbahan Clemente ng Alehandriya

Si Clemente ng Alehandriya ay kasapi ng Simbahan ng Alehandriya sa Ehipto at isa sa pinakanatatanging mga guro ng simbahang ito. Kanyang pinagkaisa ang mga tradisyong pilosopiyang Griyego sa doktrinang Kristiyano. Kanyang pinaunlag ang platonismong Kristiyano. Tulad ni Origen, siya ay nanggaling mula sa kateketikal na paaralan ng Alehandriya. Siya ay maalam sa mga panitikang pagano.

                                     

4.2. Mga Griyegong ama ng simbahan Origen ng Alehandriya

Si Origen c.185–c.254 ay isang Ehipsiyong skolar at teologo na nagturo sa Alehandriya at muling bumuhay sa Kateketikal na paaralan ng Alehandriya na pinagturuan ni Clemente. Sa simula ay sinuportahan si Origen ng Patriarka ng Alehandriya ngunit kalaunang siyang pinatalsik dahil sa kanyang ordinasyon na walang pahintulot ng Patriarka. Siya ay lumipat sa Caesarea Maritima at namatay doon.

Gamit ang kanyang kaalaman sa wikang Hebreo, si Origen ay lumikha ng isang itinuwid sa mga pagkakamali na Septuagint. Kanyang pinakahulugan ang kasulatan ng alegorikal at itinanghal ang kanyang sarili bilang isang stoiko, neo-pitagoreano at isang platonista. Para kay Origen, ang Diyos ay hindi si Yahweh kundi ang Unang Prinsipyo, at ang kristo at logos ay nagpapailalim dito. Ang kanyang pananaw ng isang hierarkala na istruktura ng Trinidad, ang temporalidad ng materya, ang preeksistensiya ng mga kaluluwa at ang muling pagbabalik na sumusunod dito ay idineklarang anathema noong ika-6 siglo CE.



                                     

4.3. Mga Griyegong ama ng simbahan Atanasio ng Alehandriya

Si Atanasio ng Alehandriya, Ehipto c.293–2 Mayo 373 ang Papa ng Alehandriya at kilala sa kanyang pakikipag-alitan at pagsalungat sa mga Kristiyanong Ariano.

                                     

4.4. Mga Griyegong ama ng simbahan Juan Crisostomo

Si Juan Crisostomo c.347–c.407 ang arsobipo at teologo ng Constantinople. Siya ay kilala para sa kanyang walong mga sermon na gumampan ng malaking papel sa kasaysayan ng antisemitismo sa Kristiyanismo na malawakang ginamit at sinipi ng partidong Nazi sa kanilang ideolohikal na paglaban sa mga Hudyo.

                                     

4.5. Mga Griyegong ama ng simbahan Cirilo ng Alehandriya

Si Cirilo ng Alehandriya c.378–444 ang obispo ng Alehandriya, Ehipto. Siya ay sental na tauhan sa Unang Konseho ng Efeso noong 431 na humantong sa pagpapatalsik kay Nestorio bilang Arsobispo ng Constantinople. Ang kanyang reputasyon sa daigdig na Kristiyano ay nagresulta sa pagbibigay sa kanya ng mga pamagat na "Haligi ng Pananampalataya" at "Selyo ng lahat ng mga Ama".

                                     

5. Mga Latin na ama ng simbahan

Ang mga indibidwal na sumulat sa wikang Latin ay tinatawag na mga Latin na ama ng simbahan na kinabibilangan nina Tertullian, Cipriano ng Carthage, Hilario ng Poitiers, Ambrosio, Jeronimo ng Stridonium, Agustin ng Hipona, Dakilang Gregorio at Isidoro ng Sevilla.

                                     
  • ambag sa teolohiya o doktrina. Sa Kanluraning simbahan apat na bantog na mga Ama ng Simbahan ang nakapagtamô ng karangalang ito noong maagang Gitnang Panahon
  • mga ama ng simbahan na sina Clemente ng Alehandriya, Origen, Didimo ang Bulag at Jeronimo. Ito ay malamang na isinulat sa Griyegong Koine noong mga unang
  • patrística Ingles: patristics ang pag - aaral ng mga ama ng simbahan Ang mga kasulatan ng mga ama ng simbahan bago ang Kristiyanismong Niceno noong 325
  • humiwalay ang doktrinang Kristiyano sa Hudaismo sa pamamamgitan ng mga turo ng Mga Ama ng Simbahan noong ikalawang dantaon, at naging pormal na ang paniniwala
  • pangalan ng pinakamalaking simbahang Kristiyano sa Ehipto at Gitnang Silangan. Ito ay kabilang sa pamilyang Ortodoksiyang Oriental na mga simbahan na naging
  • pagsasanay ng simbahan Tulad ng Romano Katolisismo, Komunyong Anglikano, Assyrianong Simbahan ng Silangan, Oriental Ortodokso at ilan pang mga simbahan ang
  • kilala bilang mga ama ng simbahan ay nagsimulang maglarawan ng mga katuruan nito bilang pagsalungat sa ibang mga pangkat ng Kristiyano gaya ng Gnostisismo
  • ng Kanluraning Kristiyanismo, at tinuturing na isa sa mga ama ng simbahan Binuo niya ang mga konseptong orihinal na kasalanan at matuwid na digmaan
  • o Isang Awitin ng Simbahan ay isang himno ng papuri ng sinaunang mga Kristiyano. Ang pamagat ay kinuha magmula sa pambungad nitong mga salitang Latin
  • kalipunan ng sinaunang mga ama ng simbahan Ang kanyang mga pananaw tungkol sa Trinidad na subordinasyonismo na ang Anak ng Diyos ay mababa sa Diyos Ama ay naging
  • matatagpuan sa Distrito ng Binondo, Manila sa harap ng Plaza San Lorenzo Ruiz, sa Pilipinas. Ang simbahan na ito ay itinatag ng mga pari ng Dominicano noong

Users also searched:

...