Back

ⓘ Batas ng pangangalakal




Batas ng pangangalakal
                                     

ⓘ Batas ng pangangalakal

Ang batas ng pangangalakal ay kabuuan ng mga batas na nalalapat sa mga karapatan, relasiyon, at pag-uugali ng mga tao at negosyong kasangkot sa komersyo, merchandising, pangangalakal, at pagbebenta. Ito ay madalas na itinuturing na sangay ng batas sibil at nakikilahok sa mga isyu ng pribadong at pampublikong batas.

Sakop sa batas na ito ang mga titulo katulad ng prinsipal at ahente; pagpapadala sa pamamagitan ng lupa o dagat; pagpapadala ng mga kalakal; garantiya; pagseseguro sa pagbabapor, apoy at buhay; salaping papel at pagkakasosyo. Pwede din itong unawaan upang ayusin ang kontratang samahan, praktis sa pagtatanggap, at ang paggawa at pagbebenta ng kalakal. Maraming bansa ang gumagamit ng mga alituntuning sibil na may komprehensibong pahayag ng kanilang batas ng pangangalakal.

Sa Estados Unidos, ang batas na ito ay responsibilidad ng Kongreso, batay sa kakayahan nitong mamahala sa komersyo ng mga estado, at ang mga estado ng bansa, batay sa kapangyarihan nilang mamahala. Pinagsikapan ang paglikha ng pinag-isang katawan ng batas ng pangangalakal sa Estados Unidos; ang pinakamaunlad na tangka ay nagresulta sa laganap na paggamit ng Uniform Commercial Code, na ginagamit sa limampung estado na may kaunting pagbabago ayon sa lehislatura ng estado, ang distrito ng Columbia, at ang iba pang teritoryo ng Amerika.

                                     
  • Aklat ng mga Kawikaan, na tumatalakay sa mga praktikal at mga pang - araw - araw na bagay - bagay, at yung may kaugnay sa kabutihang - asal, sa pangangalakal ugnayang
  • ng kalakalang pantahanan at batas ng aplikante. Tinitiyak ng pangkat na gumagawa ang mga takay at pasubali sa pagpasok ng WTO para sa mga bansang - aplikante
  • hegemonyang Asiryano ay gumawa sa pangangalakal na Arabian na ito na yumabong bilang isang pangunahing industriya. Ang lupain ng Goshen ay may pangalang nagmula
  • produksiyon, pangangalakal distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito. Ang isang ibinigay na ekonomiya ay resulta ng isang proseso
  • mga organisasyon ng karapatang pantao nagbabala na ang seksuwal na turismo ay may kontribusyon sa pangangalakal ng tao at prostitusyon ng mga bata. Ang Nagkakaisang
  • Pagsapit ng 1810, ang kanilang bagong puwerto ay naging napaka matagumpay ipnagpatuloy ang mga Lafitte ang kanilang matagumpay na pangangalakal ng mga kontrabando
  • umaangkin ng mga pribilehiyong pampamuhunan at pangangalakal Protektorado - Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang
  • pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan
  • biktima ang taong adik o adikto ng pangangalakal ng mga ito, o dahil na rin sa kanyang sariling pagpapasyang dala ng hindi makayanang mga suliranin o
  • malayang pangangalakal Sa larangan ng lipunan, itinuturing siyang koserbatibo dahil sa pagtutol niya sa kasalang homosekswal at as isyu ng aborsyon.

Users also searched:

...
...
...