Back

ⓘ Diana Serra Cary




Diana Serra Cary
                                     

ⓘ Diana Serra Cary

Si Diana Serra Cary ay isang Amerikanang dating batang aktres, mananalaysay at may-akda ng mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Hollywood.

                                     

1. Buhay at karera

Una siyang nakilala sa pagganap sa ibat-ibang papel noong dekada 20 bilang si Baby Peggy, kung saan ay kumita siya ng 1.5 miliong dolyar noong 1924. Sa kabila nito ay tumamlay ang kanyang karera bilang aktres matapos ang alitan sa pagitan ng kanyang ama at si Sol Lesser ukol sa kanyang kinita, at namasukan siya bilang isang tagapagtanghal sa Bodabil. Nasadlak sa kahirapan ang kanyang pamilya at gumanap na ekstra sa ibat-ibang pelikula si Peggy noong dekada 30 hanggang sa magretiro siya sa pag-arte noong 1938.

Sa kagustuhang lumayo sa mundo ng pelikula, nagpakasal si Peggy kay Gordon Ayres noong 1938 at nagpalit siya ng pangalan bilang si Diana Ayres. Noong panahong siya ay may-akda para sa mga palabas sa radyo, madaming nakatuklas sa kanyang nakaraan kung saan ay mas interesado sila sa kanyang buhay bilang isang dating batang aktres kaysa sa kanyang mga akda. Muli siyang nagpalit ng pangalan bilang si Diana Serra Cary matapos siyang lumipat sa Katolisismo at ang kanyang pagpapakasal kay Bob Cary noong 1954.

Kinalaunan ay nakilala siya sa pagiging manunulat at sa kanyang adbokasiya para sa mga kapwa batang aktor, kung saan ay sumulat siya ng libro tunkgol sa kanyang buhay at karera na pinamagatang What Ever Happened to Baby Peggy: The Autobiography of Hollywoods Pioneer Child Star, at Jackie Coogan: The Worlds Boy King: A Biography of Hollywoods Legendary Child Star, isapang akda tungkol sa kapwa batang aktor na si Jackie Coogan.

Noong 2017, inilathala ni Cary ang kanyang nobela na pinamagatang The Drowning of the Moon, isang kuwento tungkol sa pamiliyang may hawak ng minahan ng pilak sa Mexico noong ika-18 na siglo.

Namatay siya sa kanyang tahanan sa Gustine noong Pebrero 24, 2020, sa taong 101.

                                     

2. Bibliography

  • Jackie Coogan: The Worlds Boy King: A Biography of Hollywoods Legendary Child Star, Diana Serra Cary, Scarecrow Press, 2003, ISBN 0-8108-4650-0
  • Hollywoods Children: An Inside Account of the Child Star Era, Diana Serra Cary, Southern Methodist University Press, 1997, ISBN 0-87074-424-0
  • The Hollywood Posse: The Story of a Gallant Band of Horsemen Who Made Movie History, Diana Serra Cary, University of Oklahoma Press, 1996, ISBN 0-8061-2835-6
  • What Ever Happened to Baby Peggy: The Autobiography of Hollywoods Pioneer Child Star, Diana Serra Cary, St. Martins Press, 1996, ISBN 0-312-14760-0
  • "The Last Silent Star Standing: An Oral History of 1920s Film With Diana Serra Cary," photographs, interview and article by Jeffrey Crouse, Film International, Vol. 11, No. 2, 2013, pages 6–24.
  • The Shirley Temple Story, Lester David, Putnam Pub Group, 1983, ISBN 0-399-12798-4
  • "At 93, a Party Girl Is Silent No More", photographs, interview and article by Bruce Bennett, in the U.S. edition of The Wall Street Journal, September 5, 2012, page A19.
                                     
  • propesyunal na manlalaro ng basketbol ipinanganak 1978 Pebrero 24 Diana Serra Cary Amerikanong batang aktres ipinangnak 1918 Pebrero 25 Hosni Mubarak