Back

ⓘ Gameloft




                                     

ⓘ Gameloft

Ang Gameloft ay isang tagagawa ng mga laro at tagapaglimbag na kasalukuyang nakatayo sa Paris, Pransya na may subsidiaries na nasa 28 na bansa sa buong mundo. Nakagawa na sila ng maraming laro para sa mga cellphone, tablets, consoles at marami pang mga platform.

Itinatag noong 2000 ni Michael Guillemot, isa sa mga kasamang nagtatag at nagmamay-ari ng video game publisher at developer na Ubisoft. Ang Gameloft ay lumawak at may halos 5.000 na empleyado sa katapusan ng 2011. Ang mga produkto ng Gameloft ay nagsimulang maging mabenta noong 2003.