Back

ⓘ Hypothalamus




Hypothalamus
                                     

ⓘ Hypothalamus

Ang hypothalamus ay isang bahagi ng utak na naglalaman ng mga maliit na nuclei na may ibat iban g mga gawain. Isa sa pinakamahalagang gawain ng hypothalamus ay upang ikonekta ang sistemang nerbiyos sa sistemang endokrina sa pamamagitan ng glandulang pitwitaryo.

Ang hypothalamus ay matatagpuan sa ibaba ng thalamus na nasa itaas ng brainstem at bahagi ng sistemang limbiko. Sa terminolohiya ng neuroanatomiya, binubuo nito ang unahang bahagi ng diencephalon. Ang lahat ng utak ng bertebrado ay naglalaman ng isang hypothalamus. Sa tao, ito ay ang laki ng isang pili.

Responsable ang hypothalamus sa ilang mga prosesong metabolismo at iba pang mga gawain ng awtonomikong sistemang nerbiyos. Naggagawa at naglalabas ito ng ilang tiyak na neurohormone, na tinatawag na releasing hormone o hypothalamic hormone, at ang mga ito ay nagbubuhay o nagpipigil sa pagpapakawala ng pitiutaryong hormone. Ang hypothalamus ang nagkokontrol ng temperatura ng katawan, gutom, mahalagang aspeto ng pagiging magulang at mga pagkasamâ ng pag-uugali, uhaw, pagkapagod, pagtulog, at ritmong sirkadiyan.

                                     

1. E struktura

Isang estruktura ng utak ang hypothalamus na binubuo ng mga natatanging nuclei pati na rin ang ilang mabababang lugar sa anatomiya. Natatagpuan ito sa lahat ng sistemang nerbiyos ng bertebrado. Sa mga mamalya, naglalabas ang magnocellular neurosecretory cell sa paraventricular nucleus at ang supraoptic nucleus ng hypothalamus ng neurohypophysial hormone, oxytocin at vasopressin. Inilalabas ang mga hormones sa dugo sa posterior pituitary. Naglalabas naman ang ilang maliliit na parvocellular neurosecretory cell, mga neurons ng paraventricular nucleus, ng corticotropin-releasing hormone at iba pang mga hormones sa portadang sistema ng hypophyseal, na kung saan ang mga hormones ay humahalo sa anterior pituitary.

Nuclei

Kasama sa nuclei ng hypothalamic nuclei ang mga sumusunod:

                                     
  • mga hormone mula sa glandulang pituitaryo na nasa ilalim ng kontrol ng hypothalamus gayundin ng sistemang renin - angiotensin. Ang adrenal cortex ay binubuo
  • Sexually Dimorphic Nucleus in the Ovine Medial Preoptic Area Anterior Hypothalamus Varies with Sexual Partner Preference Endocrinology. Endocrinology
  • in the lower brainstem on the cardiovascular response to dorsomedial hypothalamus activation Auton Neurosci. 142 1 2 71 6. doi: 10.1016 j.autneu.2008
  • neuroimaging ay nagpapahiwatig ng mataas na aktibidad sa amygdala, thalamus, hypothalamus at brainstem regions kasama ang periaqueductal gray, parabrachial nucleus

Users also searched:

...