Back

ⓘ Paliparang Istanbul Atatürk




Paliparang Istanbul Atatürk
                                     

ⓘ Paliparang Istanbul Atatürk

Ang Istanbul Atatürk Airport ay ang pangunahing paliparang pandaigdig na nasisilbi sa Istanbul, Turkey, at ang pinakamalaking paliparan sa Turkey ayon sa kabuuang bilang ng mga pasahero, destinasyong pinagsisilbihan at mga paggalaw ng sasakyang panghimpapawid. Binuksan noong 1924 at matatagpuan sa Yesilköy, sa bahaging Europeo ng lungsod, ito ay na24 km kanluran ng sentro ng lungsod at nagsisilbing ang pangunahing sentro para sa Turkish Airlines.

Ang paliparan ay orihinal na pinangalanang Yesilköy Airport Paliparang Yesilköy. Noong dekada 1980, ito ay pinangalanang muli bilang Istanbul Atatürk International Airport Paliparang Pandaigdig ng Istanbul Atatürk sa karangalan ni Mustafa Kemal Atatürk, ang tagapagtatag at unang pangulo ng Republika ng Turkey. Ito ay nagsilbi ng higit sa 60 milyong pasahero noong 2015, kaya ito ang ika-11 sa mga pinakaabalang paliparan sa daigdig ayon sa kabuuang trapiko ng pasahero at ang ika-10 sa mga pinakaabalang sa mundo ayon sa trapiko ng internasyonal na pasahero. Ito ay ika-3 pinakaabalang paliparan sa Europa na sumunod lamang sa London Heathrow, Paris Charles de Gaulle at nangunguna sa Frankfurt Airport noong 2015.

Noong 28 Hunyo 2016, may naganap na pagsabog at pamamamaril sa paliparan na pumatay ng 42 tao at nakasugat ng 250 iba pa.

                                     
  • sa Terminal 3 Thai Airways: Bangkok - Suvarnabhumi Turkish Airlines: Istanbul - Atatürk United Airlines: Guam, Koror Seasonal: Chuuk Xiamen Air: Quanzhou
  • Ang Paliparang Pandaigdig ng Vnukovo Ruso: Международный аэропорт Внуково IATA: VKO, ICAO: UUWW ay isang pandaigdig na paliparan na makikita sa timog
  • Ang Paliparang Pandaigdig ng Sheremetyevo Ruso: Международный Аэропорт Шереметьево, Mezhdunarodniy Aeroport Sheremet evo Pagbigkas sa Ruso: ʂerʲiˈmʲetʲjivə
  • tagapaglipad ng Singgapur. Ang Tagapaglipad ng Singapurr ay na mamangasiwa sa Paliparang pandaigdig ng Changi at Singapurr at ito y malakas sa rehiyon ng Asya