Back

ⓘ Nathan Hartono




                                     

ⓘ Nathan Hartono

Si Nathaniel Hartono, higit na kilala bilang Nathan Hartono ay isang mang-aawit at aktor mula sa Singgapur. Nag- debut si Hartono bilang mang-aawit matapos manalo sa Teenage Icon noong 2005 at naglabas ng kaniyang debut album na LET ME SING! Life, Love and All That Jazz noong 2006. Nakipag-sapalaran din si Hartono sa pag-arte at itinampok sa kaniyang kauna-unahang seryeng pantelebisyong Halfworlds noong 2015. Siya rin ang first runner-up sa unang season ng Sing! China.

                                     

1. Kasibulan

Ipinanganak si Hartono sa Singgapur sa mga Tsinong Indones na magulang. Mayroon siyang nakatatandang kuya na si Norman Hartono, at nakakabatang kapatid na babae na si Nydia Hartono. Ang kaniyang ama, si Thomas Hartono, ay isang nangangasiwang direktor sa PT Anandini Vimala, habang ang kaniyang ina, si Jocelyn Tjioe, ang senyoryang pangalawang pangulo ng Tung Lok group na naka-base sa Singgapur, na itinatag ng kaniyang lolo.

Nakapagtapos si Hartono ng kaniyang edukasyong paaralang primarya sa Nanyang Primary School at nagpatuloy sa Anglo-Chinese School Barker Road para sa kaniyang sekondaryang edukasyon bago siya nakapagtapos sa Anglo-Chinese Junior College. Noong 2009, na-konskripto siya sa Hukbong Lakas ng Singgapur para sa pambansang paglilingkod. Pagkatapos ay nag-aral siya sa prestihyosong Berklee College of Music na nangunguna sa Produksyon at Inhenyeriyang Musika sa Boston, at pansamantalang huminto sa pag-aaral simula pa noong 2014.

Nabanggit din ni Hartono na kung paano siya na-impluwensyahan ni Frank Sinatra.

                                     

2. Karera

2005-2009: Teenage Icon at pagsimula sa himigan

Matapos manalo ni Hartono noong 2005 sa Teenage Icon, nag- debut siyang mang-aawit at inilabas niya ang kaniyang unang album na LET ME SING! Life, Love and All That Jazz noong 2006 na binubuo ng 11 awitin. Itinampok ang album niyang iyon bilang numero uno sa Jazz Chart ng HMV sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ng pagkakalabas niyon.

Noong 2007, nagtanghal si Hartono sa Mosaic Music Festival at inilabas ang kaniyang ikalawang album na Feeling Good with Nathan Hartono na isinaplaka sa mismong sandaling iyon sa kaniyang mga sold-out na palabas noong Hunyo ng parehong taon sa Esplanade. Mayroong 12 awitin ang album na iyon, na kasama sa karamihan sa mga awit na itinanghal ni Hartono, kabilang ang "Raindrops Keep Fallin on My Head", "Everybodys Changing", "Moodys Mood for Love", at "Seven Nation Army" sa kaniyang mga konsyerto.

                                     

3. Kawing Panlabas

  • Nathan Hartono sa Twitter
  • Opisyal na website at Aquarius Musikindo
  • Nathan Hartono sa Instagram
  • Opisyal na website at Music & Movement
  • Nathan Hartonos channel on YouTube
  • Opisyal na website
  • Nathan Hartono sa Facebook

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Users also searched:

...