Back

ⓘ Puma (tatak)




Puma (tatak)
                                     

ⓘ Puma (tatak)

Ang Puma SE, nakatatak bilang Puma, ay isang multinasyunal na korporasyong Aleman na nagdidisenyo at gumagawa ng mga kaswal at atletikong sapatos at ibang damit sa paa, mga damit at aksesorya, na may punong himpilan sa Herzogenaurach, Bavaria, Alemanya. Ang PUMA ang ikatlong pinamalaking tagagawa ng mga damit pampalakasan sa buong mundo. Naitatag ang kompanya noong 1948 ni Rudolf Dassler. Noong 1924, si Rudolf at kanyang kapatid na si Adolf Dassler ay nagsama upang itayo ang kompanyang Gebrüder Dassler Schuhfabrik. Nasira ang ugnayan ng dalawang magkapatid at hanggang nagkasundo silang maghiwalay noong 1948, na nagbuo ng dalawang entidad, ang Adidas at ang Puma. Ang parehong kompanya ay nakabase sa Herzogenaurach, Alemanya.

                                     
  • Ang Puma ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod: Puma concolor, isang uri ng pusa Puma tatak isang multinasyunal na korporasyon
  • paggawa ng sneakers noong nagsidatingan ang maraming kakompetensiya gaya ng Puma Adidas, Nike at Reebok na nagpakita rin ng mga bagong disenyo sa merkado