Back

ⓘ Man of Steel (pelikula)




                                     

ⓘ Man of Steel (pelikula)

Ang Man of Steel ay isang pelikula na hango sa karakter na si Superman ng DC Comics. Ito ang kauna-unahang pelikula ng DC Extended Universe. Ang Man of Steel ay mula sa direksyon ni Zack Snyder at sa panunulat ni David S. Goyer, at pinagbibidahan nina Henry Cavill, Amy Adams, Michael Shannon, Kevin Costner, Diane Lane, Laurence Fishburne, Antje Traue, Ayelet Zurer, Christopher Meloni, at Russell Crowe.

Ipinalabas ang Man of Steel sa mga sinehan noong ika-14 ng Hunyo, 2013 sa 2D, 3D at IMAX. Sa kabuuan, kumita ang pelikulang ito sa buong mundo ng $668 milyon. Ang kasunod nitong pelikula na pinamagatang Batman v Superman: Dawn of Justice ay ipinalabas naman noong ika-25 Marso, 2016.

                                     

1. DC Extended Universe

Ang tagumpay ng Man of Steel ang nag-udyok sa Warner Bros. para gumawa ng shared universe na kabibilangan ng ibat ibang karakter mula sa DC Comics. Noong Hunyo 2013, si Goyer ay inatasan gumawa ng iskrip para sa kasunod na pelikula ng Man of Steel at pati na rin sa Justice League. Makalipas ang isang buwan, noong Hulyo 2013, inanunsyo ni Zack Snyder na ang ikalawang pelikula ay pagtatagpuin sina Batman at si Superman. Si Cavill, Adams, Lane at Fishburne inaasahan magbabalik sa ikalawang pelikula upang gampanan muli ang kanilang mga karakter. Ayon kay Snyder, hinango ang kasunod na pelikula mula sa komik na The Dark Knight Returns.

                                     
  • magiging istorya ng pelikula Ang unang pelikula nito ay ang Man of Steel na ipinalabas noong 2013, at sinundan ng Batman v Superman: Dawn of Justice 2016
  • Batman v Superman ay ang ikalawang pelikula ng DC Extended Universe DCEU at ang kasunod ng pelikulang Man of Steel Ito ay isinulat ni Chris Terrio at
  • ginagampanan niya ang superhero na si Superman sa pelikulang Man of Steel 2013 Batman v Superman: Dawn of Justice 2016 at sa Justice League 2017 ng DC Extended
  • Universe, na unang lumabas ang karakter na General Swanwick noong pelikula ng 2013 na Man of Steel habang ang katauhan niyang bilang si Martian Manhunter ay lilitaw
  • noong 18 Oktubre 2017 2017: Bleeding Steel 機器之血 Ipinalabas sa Pilipinas noong 21 Pebrero 2018 2019: The Knight of Shadows: Between Yin and Yang 神探蒲松龄之兰若仙踪
  • Karamihan sa mga pelikula ay napapailalim sa copyright, ngunit ang mga nakalista dito ay pinaniniwalaan na nasa public domain sa United States. Nangangahulugan
  • 2013 - 07 - 16 2013 Teen Choice Awards Nominations: Fast & Furious 6 and Man of Steel Face Off in Final Wave E Online. Tinago mula sa orihinal noong February