Back

ⓘ Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda




Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda
                                     

ⓘ Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda

Ang Lunop han Dughan-Panaghoy ni Yolanda ay isang orihinal na Pilipinong sarsuwela o isang pagtatanghal sa teatro na nilapatan ng musika. Nasusulat ito sa wikang Waray. Ito ay isang awit nang papuri para sa kalikasan at gumugunita sa mga pumanaw dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda. Isinasaad nito ang buhay, kamatayan at panibagong pag-asa na nasasalamin sa trahedyang naganap noong nanalasa ang super bagyong Yolanda sa Pilipinas.

Ito ay pinangungunahan ni Alegria O. Ferrer na isang soprano at propesor sa Unibersidad ng Pilinas Ingles: University of the Philippines sa Diliman at ng grupo ng Unibersidad ng Pilipinas An Balangaw Performing Arts at Leyte Kalipayan Dance Company mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas Kolehiyo sa Tacloban Ingles: University of the Philippine Visayas Tacloban College.

                                     

1. Pagkakalikha

Ang sarsuwela ay nabuo at naitanghal sa pamamagitan ng maka-sining na pakikipagtulungan ng Kolehiyo ng Musika ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at ng Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas Kolehiyo sa Tacloban at suporta galing sa Tanggapan ng Bise Presidente para sa Usaping Pang-Akademiko ng Unibersidad ng Pilipinas Ingles: University of the Philippines Office of the Vice President for Academic Affairs sa tulong ng Pondo para sa Pagpapataas ng Makasining na Paggawa at Pagsasaliksik Ingles: Enhanced Creative Work and Research Grant. Ito ay pinamahalaan ni Joycie Y. Dorado Alegre na isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas Kolehiyo sa Tacloban bilang direktor at koreograpo at ni Alegria O. Ferrer, isang soprano at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, bilang direktor sa musika, at nilapatan ng orihinal na musika ni Samlito C. Abueva, nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas Kolehiyo sa Tacloban, na siya ring gumawa ng iskrip. Ang musika ng daluyong sa bagyo at arya Ingles: aria na kinanta ni Alegria O. Ferrer ay likha ni Ramon Santos, Pambansang Alagad ng Sining Ingles: National Artist sa Musika sa Pilipinas.

                                     

2. Istorya

Ang kwento ng Lunop han Dughan-Panaghoy ni Yolanda ay nagsimula sa alamat ng Bundok ng Danglay na tungkol sa dalawang magsing-irog na sina Dang at Mulay na kinuha ng higanteng alimango at muling nabuhay makalipas ang maraming taon. Sa kasalukuyang panahon, may dalawang taong nagmamahalan na sina Urbano at Maribel na nagkahiwalay dahil nagpakasal si Maribel kay Turing dahil sa malaking pagkakautang ng tatay ni Maribel sa tatay ni Turing. Muling nagkita sina Urbano at Maribel kung kailan naipahayag nila sa isat isa ang kanilang pag-ibig subalit alam nilang wala itong patutunguhan. Parehong namatay sina Urbano at Maribel dahil sa pagkalunod sa bahang dulot ng bagyong Yolanda subalit ang trahedyang ito ay nagpatibay sa kalooban at paniniwala ng kanilang mga naiwan.

                                     

3. Mga tauhan at nagsipagganap

Ang sarsuwela ay pinangungunahan ni Alegria O. Ferrer, isang soprano, bilang si Iroy Han Kalibungan o Inang Kalikasan Ingles: Mother Nature at Ladawan-Tingog Han Bagyo Yolanda o Espiritu ng Bagyong Yolanda Ingles: Spirit of Yolanda. Kasama rin sa nagsipagganap ay si Gaby Asanza bilang Urbano na isang Pilipinong manggagawa sa ibayong-dagat na bumalik sa Tacloban para malaman kung bakit siya iniwan ng kanyang mahal na si Maribel na nagpakasakal kay Turing na isang mayamang mangingisdang gumagamit ng dinamita sa pangingisda. Si Lina Fe Simoy ang gumanap bilang si Maribel, ang asawa ni Turing at dating kasintahan ni Urbano. Ang gumanap bilang Turing ay si Pierre Dann Ampo. Si Maribel ay sinasaktan ng kanyang asawang si Turing na laging naglalasing. Mayroon silang tatlong anak na mapagmahal at saksi sa pang-aabuso ng kanilang ama sa kanilang ina. Mayroon pang nararamdaman si Maribel para kay Urbano subalit itoy kanyang pinipigil.

                                     

4. Mga pagtatanghal

Unang itinanghal ang Lunop han Dughan noong Abril 26 at 27, 2019 sa looban ng Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas Kolehiyo sa Tacloban na pinanood ng tinatayang isang libong katao kasama ang mga kritiko. Muli itong itinanghal noong Nobyembre 7 at 9, 2019 sa himnasyo Ingles: gymnasium ng Pamantasang Normal ng Leyte Ingles: Leyte Normal University.

Users also searched:

...