Back

ⓘ Ramon Santos




Ramon Santos
                                     

ⓘ Ramon Santos

Si Ramón Pagayon Sántos na ipinanganak noong 25 Pebrero 1941 sa Pasig ay isang Pilipinong kompositor, konduktor at musicologist. Hinirang siya bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika noong 2014 para sa kanyang nagawang malaking kontribusyon sa pagtahak ng bagong direksiyon sa larangan ng musika partikular sa mga hindi kanluraning tradisyon sa Pilipinas at Timog-silangang Asya. Ang Pambansang Alagad ng Sining ay ang pinakamataas na karangalang iginagawad ng Pangulo ng Pilipinas sa rekomendasyon ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining at ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1001 para sa kahusayan sa larangan ng musika, sayaw, teatro, arkitektura, sining na pang-biswal, literatura, pelikula, disenyo at mga kaalyadong sining tulad ng cinema at makasaysayang panitikan.

                                     

1. Unang yugto ng buhay

Pinakabata sa anim na magkakapatid na anak nina Jose Santos na isang abogado at Amada Pagayon na isang mang-aawit, si Ramon P. Santos ay lumaki sa mundo ng musika sa pamamagitan ng impluwensiya ng kanyang ina at lola na mahilig tumugtog ng piyano. Dahil naiiwan sa bahay dahil siya ang pinakabata, nakikinig siya ng mga kanta sa radyo at pinakikinggan ang mga plaka na pag-aari ng kanyang pamilya. Habang nag-aaral para sa kanyang Doctor of Philosophy sa State University of New York in Buffalo, nakilala niya si Lourdes Wong na nag-aaral ng Educational Psychology. Ikinasal sila at nagkaroon ng dalawang anak na babae.

                                     

2. Edukasyon

Nakapagtapos ng elementarya si Ramon P. Santos sa Pasig Catholic School samantalang sa San Jose Seminary naman siya nagtapos ng sekundarya. Noong 1965, nakuha niya ang Teacher’s Diploma at Bachelor of Music major in composition and conducting mula sa Kolehiyo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas. Natuklasan niya sa Jose Maceda, isang ethnomusicologist, pagkatapos niyang pumasok ng Unibersidad ng Pilipinas na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kanya na naging dahilan ng paglipat ng pokus ng kanyang musika tungo sa ibang konsepto ng musikang Asyano.

Noong 1969 ay nakuha ni Ramon Santos ang kanyang Master of Music nang may karangalan sa Unibersidad ng Indiana Ingles: Indiana University at noong 1972 ang kanyang Doctor of Philosophy sa Pang-Estadong Unibersidad ng New York Ingles: State University of New York.

Lumahok din siya sa mga summer courses sa New Music sa Darmstadt noong 1974 at sa Special Seminars sa Ethnomusicology sa Unibersidad ng Illinois noong 1989. Kasama niya sina Hilarion Rubio, Lucio San Pedro, Thomas Beversdorf, Roque Cordero, Ramon Fuller at William Koethe sa pag-aaral ng komposisyon at sina Istvan Anhalt at George Perle habang kumukuha ng kurso sa kontemporaryong musika. Nakasama din niya si Bruno Nettl sa pag-aaral ng Ethnomusicology. Nakasama niya si Sundari Wisnusubroto habang nag-aaral ng Javanese na musika at sayaw at si Lao Hong Kio habang pinag-aaralan niya ang Nan Kuan.

                                     

3. Propesyon

Naglingkod bilang Dekano ng Kolehiyo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas si Ramon P. Santos noong 1978 hanggang 1988 at nakapagsaliksik ng ibat ibang anyo ng musika sa Pilipinas. Siya ay University Professor Emeritus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at pinamumunuan niya bilang Chairperson ang Department of Composition and Theory ng Kolehiyo ng Musika sa nasabing unibersidad.

Naging Chairman siya ng Asian Composers League mula 1994 hanggang 1997, Presidente ng National Music Council of the Philippines mula 1984 hanggang 1993 at Chairman at Secretary General ng Music Competitions for Young Artists Foundation mula 1989 hanggang 1997.

Siya ay Secretary ng League of Filipino Composers, kasapi ng International Society for Contemporary Music ISCM Advisory Panel on the World’s Musical Cultures, Lecturer sa Asian Institute for Liturgy and Music at kasapi ng Humanities Division ng Pambansang Sanggunian sa Pananaliksik ng Pilipinas Ingles: National Research Council of the Philippines.



                                     

4. Mga nagawa

Ilan sa mga nagawa ni Ramon P. Santos ay ang "Pangahoy," "L’Bad" at" Nagnit Igak G’nan Wagnwag Nila” Alingawngaw ng Kagitingan na kanyang ginawa para sa pagdiriwang ng Philippine Centennial sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas Ingles: Cultural Center of the Philippines at ang naging pinakapopular na" Awit ni Pulau” at" Siklo”.

Naisulat din niya ang "Nabasag ang Banga at Iba’t Ibang Pinag-ugpong-ugpong na Pananalita para sa Labing-anim na Tinig," "Phenomenon," "Tin-ig," "Du-a," "Abot-Tanaw," "Ba-dw," at "Daragang Magayon" pati na ang" Ding Nga Diyawa” na gumagamit ng timpani, agung at kulintang.

                                     

5. Mga parangal na natanggap

Natanggap ni Ramon P. Santos ang Achievement Award in the Humanities mula sa Pambansang Sanggunian sa Pananaliksik ng Pilipinas Ingles: National Research Council of the Philippines noong 1994 at nagkamit ng fellowship mula sa Asian Cultural Council at Ford Foundation.

Nakamit din niya ang karangalan bilang Composer-in-Residence ng Bellagio Study Center/Rockefeller Foundation noong 1997, Artist-in-Residence ng Civitella Ranieri Center noong 1998 at Chevalier de l’Ordre des Artes et Lettres mula sa Pamahalaang Pranses.

                                     
  • bilang Robin Ricky Davao bilang Damian Dela Cruz Dante Rivero bilang Ramon Santos Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon at Pilipinas ay isang usbong
  • Ang Ramon Magsaysay Memorial Colleges ay isang isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa Lungsod ng General Santos Timog Cotabato, Pilipinas. Ito ay
  • Anita Linda Efren Reyes Lopito Oscar Keesee Fred Santos Ramon d Salva Anita Amor Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong
  • Nick Romano Ingrid Salas Max Alvarado Katherine Santos Marietta Sanz Rocco Montalban Miniong Alvarez Ramon Bong Revilla Jr. Jose Yandoc alam ba ninyo na
  • Vilma Santos na naligaw at napadpad kung saan - sang bagay na ikinabahala ng kanyang mga magulang. Pampamilyang - Drama 20 Enero 1964 Vilma Santos Jose Padilla
  • Frankie Gordon Ding Tello Fred Santos Tony Mogueis Tony Tolman Kasupang Norma Vales Vic Andaya Armando Araneta Ramon A. Estella Ang lathalaing ito na
  • de Guzman Debraliz Allan Garcia Virgo Antonio Ramon Godiz Hotdog Wea Dancers Hidcor Dancers Charo Santos Mark Gil Roel Vergel de Dios Julie Ann Fortich
  • Pampamilyang - Drama Premiere Productions Leila Morena Efren Reyes Fred Santos Amelita Sol Rino Bermudez Ramon d Salva Ding Tello Nena Cardenas Kasupang Tony Tolman Abraham
  • Ang EDSA Epifanio de los Santos Avenue lit. Abenida Epifanio de los Santos na dating Highway 54, ay isang mahaba at pakurbang daan na nasasakupan ang
  • Francisco Feliciano Ramon Santos Francisco Arcellana Virgilio S. Almario N. V. M. Gonzalez Amado V. Hernandez Nick Joaquin F. Sionil Jose Ramon Muzones Bienvenido
  • mga isinaunang mahabang salaysaying pampanitikan na isinulat ni Lope K. Santos sa wikang Tagalog noong 1906. Bilang isang aklat na tinaguriang bibliya
  • Si Ramon Avanceña ang pang - apat na Punong Mahistrado ng Kataas - taasang Hukuman ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong ika - 13 ng Abril taong 1872 at namatay

Users also searched:

...
...
...