Back

ⓘ Ramon Obusan




Ramon Obusan
                                     

ⓘ Ramon Obusan

Si Ramon Arevalo Obusan ay isang Pilipinong mananayaw, koreograpo, nagdidisenyo ng entablado at direktor ng sining. Si Obusan ay pinarangalan para sa kanyang mga ginawa sa pagtaguyod ng tradisyunal na sayaw at pangkulturang Pilipino. Isa rin siyang kilalang archivist, mananaliksik at documentary filmmaker na nakatuon sa kultura ng Pilipinas. Itinatag niya rin ang Ramon Obusan Folkloric Group noong 1971. Kabilang sa mga parangal na natanggap ni Obusan ay ang Patnubay ng Kalinangan award ng Lungsod ng Maynila noong 1992, ang Gawad CCP Para sa Sining award noong 1993 at ang Pambansang Artist ng Pilipinas para sa sayaw noong Mayo 2006.

                                     

1. Mga gawa

Kabilang sa mga kilalang akda ni Obusan ay ang mga sumusunod:

  • Ang Obra Maestra, isang koleksyon ng mga masterpieces ng sayaw ni Ramon Obusan
  • Water, Fire and Life, Philippine Dances and Music--A Celebration of Life
  • Noon Po sa Amin, tableaux ng Kasaysayan ng Pilipinas sa kanta, dula at sayaw
  • Vamos isang Belen! Series 1998-2004 Philippine Dances Tradition
  • Saludo sa Sentenyal
  • MJ Ramon Obusan Folkloric Group: Philippines Costumes in Dance
  • Glimpses of ASEAN, Dances and Music of the ASEAN-Member Countries
  • Unpublished Dances of the Philippines, Series I-IV
                                     

2. Kamatayan

Namatay si Obusan noong Disyembre 21, 2006 dahil sa cardio-pulmonary arrest sa Makati Medical Center. Hanggang sa kanyang kamatayan, ang taunang programa ng Pasko na Vamos A Blen sa Cultural Center ng Pilipinas ay nasa kanyang pangangasiwa. Naghahanda rin si Obusan para sa pagtatanghal ng kultura na gaganapin sa pang-estadong hapunan para sa 2007 ASEAN Summit na ihahandog ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

                                     
  • Romero Kidlat Tahimik Francisca Reyes - Aquino Leonor Orosa - Goquingco Ramon Obusan Alice Reyes Lucrecia Reyes - Urtula Napoleon Abueva Iskultura Larry Alcala
  • Samahan sa Pilipinong Katutubong Sayaw ng Bayanihan Pangkat Pokloriko ng Ramon Obusan Tanghalang Pilipino Orkestrang Pilharmonika ng Pilipinas Orkestrang Tugtungan

Users also searched:

ramon obusan folk dance, ramon obusan vamos a belen,

...
...
...