Back

ⓘ Éclair




Éclair
                                     

ⓘ Éclair

Ang éclair ay isang pasteleryang biluhaba na gawa sa masang choux na pinalaman ng krema na may tsokolateng aysing sa ibaba. Ang masa, na kapareho sa ginagamit para sa profiterole, ay karaniwang pina-pipe sa hugis-biluhaba sa pamamagitan ng pastry bag at inihuhurno hanggang sa ito ay malutong at hungkag sa loob. Sa sandaling lumamig, pinupuno ang pastelerya ng kastard na may lasang banilya, kape o tsokolate, o may kremang pinalantik, o kremang chiboust; at pagkatapos ay nilalagayan ng may aysing-fondant sa ibabaw. Kabilang sa mga iba pang palaman ang kastard na lasang-pistatso o rum, palaman na lasang-prutas, o pinalapot na kastanyas. Paminsan-minsan, karamelo ang aysing at bâton de Jacob ang maaaring tawag dito.

                                     

1. Kasaysayan

Nagmula noong ikalabinsiyam na siglo sa Pransya ang éclair kung saan tinawag itong "pain à la Duchesse" o "petite duchesse" hanggang 1850. Pinatunayan ang salita sa wikang Ingles at Pranses noong dekada 1860. Ipinapalagay ng ilang mga mananalaysay ng pagkain na si Antonin Carême 1784-1818, ang sikat na kusinerong Pranses, ang unang gumawa ng mga éclair. Lumitaw ang unang kilalang reseta sa wikang Ingles para sa mga éclair sa Boston Cook School Cook Book ni Gng. DA Lincoln, na inilathala noong 1884.

                                     

2. Hilagang Amerika

Ipinagbibili ng ilang mga pastelerya sa Estados Unidos at Canada ang mga Long John donut bilang éclair o éclair donut. Iba ang mga Long John sa mga éclair, dahil donut ang masa ng Long John, na gawang-lebadura o rebosado, sa halip ng masang choux, na esponghado mula sa singaw. Ang karaniwang palaman ng mga Long John ay puding-banilya o kastard at may aysing ng keyk sa itaas. Sa Lima at Kenton, Ohio, mas kilala ang mga ito bilang mga filled sticks ".

                                     

3. Talasanggunian

Bibliograpiya

  • Montagné, Prosper 1961. Larousse Gastronomique, The Encyclopedia of Wine, Food & Cookery Salinwika sa Ingles.
  • Gouffé, Jules 1873. "Deuxième Partie, Chapitre IX, "Pains à la duchesse au café ". Le livre de pâtisserie.