Back

ⓘ Justiniano Asuncion




                                     

ⓘ Justiniano Asuncion

Si Justiniano Asuncion, o kilala bilang Kapitang Ting, ay isang Pilipinong pintor. Nagsilbi din siya bilang kapitan ng barangay o mas kilala noong panahon niya bilang cabeza de barangay ng Sta. Cruz, Maynila kaya binansagan siyang Kapitang Ting.

                                     

1. Talambuhay

Si Asuncion ay isa sa mga nangungunang Pilipinong pintor noong ika-19 na dantaon. Noong 1834, siya ay nag-aral sa Escuela de Dibujo, kung saan nagsanay siya sa pagpipinta. Noong mga 1855, siya ay naging kapitang-bayan ng Santa Cruz, Maynila. Siya ay yumao noong 1901 sa edad na 85. Mayroon siyang dalawang kapatid na sina Mariano at Leoncio na pintor din.

                                     

2. Ang mga likha niya

Si Asuncion ay pintor ng mga tanyag na Koronasyon ng Birhen, ang Birhen ng Antipolo, Filomena Asuncion, at Romana A. Carillo.

Siya ay nakapaglikha ng mga larawang-pinta ng San Agustin, San Geronimo, San Antonio, at San Gregorio Magno na itinago sa Simbahan ng Santa Cruz bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga mahahalagang kambas na ito ay nawasak nang binomba ng mga Hapones ang simbahan noong Pebrero 1945.

Ang kanyang mga likha ay naaaninag ng kagawian ng panahong yaon – ang unang 75 taon ng -19 na dantaon. Ang mga potograpista ng panahong iyon ay maingat na ginuguhit ang mga tampok ng ulo; ang mga kamay at iba pang mga maliliit na detalye na may taluhabang kawastuhan; karaniwang hindi pinapansin ang mga tunal na halaga at binibigyang diin ang tigas ng epekto.

Ang Museo ng Pamantasan ng Santo Tomas may inaaring pinintang larawan ni Asuncion, may petsang Pebrero 1862. Ang kuwadrong walang lagda ni Pd. Melchor Garcia de Sampedro sa Museo de UST ay nasabing likha ni Asuncion. Karamihan sa kanyang ibang mga likha ay nakatago bilang mga pambansang kayamanan sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Museo sa Pilipinas.

Noong Setyembre 12, 1983, sa dayag ng Simbahan ng Santa Cruz sa Maynila, isang pananda na iniluklok sa kanyang karangalan.

                                     

3. Tingnan din

  • Tipos del País
  • Letras y figuras
  • Fernando Amorsolo
  • Félix Resurrección Hidalgo
  • Juan Luna
  • José Honorato Lozano
  • Fabián de la Rosa
  • Damián Domingo
  • Boxer Codex
                                     
  • Mestiso Isang Mestisong Pilipino ni Justiniano Asuncion La Mestisa Isang Mestisang Pilipina ni Justiniano Asuncion La Mestisa Española Isang Mestisang
  • inalok sa subasta sa Maynila na may pasimulang tawad ng 5 angaw. Justiniano Asuncion Fabián de la Rosa Damian Domingo Juan Luna Fernando Amorsolo Boxer
  • Honorato Lozano Damián Domingo Fernando Amorsolo Fabián de la Rosa Justiniano Asuncion Guerrero, Leon Ma. 1974 Ang Unang Pilipino: Ang Talambuhay ni