Back

ⓘ Cirilo Bautista




Cirilo Bautista
                                     

ⓘ Cirilo Bautista

Si Cirilo F. Bautista ay isang makata, manunulat, guro at pintor. Inihayag siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa literatura noong 2014.

                                     

1. Unang yugto ng buhay

Ipinanganak si Cirilo F. Bautista noong Hulyo 9, 1941 sa Maynila at lumaki sa Balic-Balic sa Sampaloc. Ikinasal siya kay Rose Marie Jimenez at nagkaroon ng mga anak.

                                     

2. Edukasyon

Nagtapos ng elementarya si Cirilo Bautista sa Paaralang Elementarya ng Legarda noong 1954 bilang unang karangalan banggit at ng sekundaryang edukasyon sa Mataas na Paaralan ng Victorino Mapa noong 1958 bilang balediktoryan.

Nakuha ni Cirilo Bautista ang Batsilyer sa Sining sa Ingles sa Unibersidad ng Santo Tomas bilang Magna Cum Laude, ang Master sa Sining sa Literatura sa Unibersidad ng St. Louis sa Baguio bilang Magna Cum Laude at Doktorado sa Sining sa Wika at Literatura mula sa Unibersidad ng De La Salle. Nabigyan din siya ng honorary degree mula sa International Program ng Unibersidad ng Iowa.

                                     

3. Propesyon

Nagturo si Cirilo Bautista sa Unibersidad ng St. Louis, Kolehiyo ng San Beda kung saan siya ay Professor Emeritus para sa Literatura, Unibersidad ng Santo Tomas kung saan siya ay Senior Associate sa Center for Creative Writing and Studies at sa Unibersidad ng De La Salle. Siya ay naging Professor Emeritus sa Literatura at nakasama sa board of advisors ng Bienvenido Santos Creative Writing Center ng Unibersidad ng De La Salle. Naging guro din siya sa Unibersidad ng Waseda sa Hapon at Unibersidad ng Ohio sa Estados Unidos.

Siya rin ay naging literary editor at kolumnista sa magasin na Philippine Panorama ng Manila Bulletin.

                                     

4. Mga nagawa

Kabilang sa mga nagawang akda ni cirilo Bautista ay ang Summer Suns noong 1963, Stories noong 1990, Words and Battlefields noong 1998, The Trilogy of Saint Lazarus noong 2001 na kinabibilangan ng The Archipelago ", Telex Moon at Sunlight on Broken Stones at "Galaw ng Asoge" noong 2003.

Nakagawa siya ng mahigit sa dalawampung libro at ang pinakahuli ay ang koleksiyon ng mga tula na pinamagatang In Many Ways: Poems 2012 -2016 na nailathala noong 2018.

Siya ay naging daan sa pagkakatatag ng Baguio Writers Club, Philippine Literary Arts Council noong 1981, at Iligan National Writers Workshop noong 1993. Pinondohan din niya ang Cirilo F. Bautista Prize para sa short fiction sa National Book Award.

                                     

5. Mga parangal na natanggap

Sa bisa ng isang proklamasyon ay ipinahayag na Pambansang Alagad ng Sining sa literatura si Cirilo Bautista noong 2014.

Nakabilang na siya sa Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1995. Bukod dito, natanggap din niya ang Gawad Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas noong 1997 at ang unang gantimpala sa patimpalak ng National Centennial Commission noong 1998.

Idineklara siyang Makata ng Taon ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 1993 at tumanggap siya ng 2012 Gawad CCP Para sa Sining para sa literatura. Ginawaran din siya ng Achievement Award ng National Commission for Culture and the Arts noong 2013.

                                     
  • hanggang 1984 - ayon sa pahintulot na iginawad ng Obispo ng Malolos na si Cirilo Almario, Jr.. Kabilang din sa naging sumunod na mga kura paroko ng parokya
  • 1916 1919 Ricardo G. Lloret Ikalimang Lehislatura ng Pilipinas 1919 1922 Cirilo B. Santos Ikaanim na Lehislatura ng Pilipinas 1922 1925 Norberto C. Manikis
  • Jose Francisco 2, 388 92 Leonida Supetran Emancipated Scientists 2, 355 93 Cirilo Bravo Lapiang Bagong Silang 2, 304 94 Oscar Ibay Banyuhay 2, 198 95 Paz Tengtio
  • Isabelo Lim 742 40 Humberto Basco 714 41 Josefina de Joya 633 42 Cirilo Olleres 583 43 Augusto Gabilo 521 44 Rogelio Poblete Federal 519 45

Users also searched:

...
...
...