Back

ⓘ Organo (anatomiya)




Organo (anatomiya)
                                     

ⓘ Organo (anatomiya)

Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Organo paglilinaw at menudo paglilinaw.

Sa biyolohiya, ang organo o laman-loob ay isang grupo ng mga tisyu na nagsasagawa ng isang tiyak na tungkulin o grupo ng mga tungkulin. Pangkaraniwan na may pangunahing tisyu at mga nakakalat na mga tisyu. Ang pangunahing tisyu ay natatangi lamang para sa isang organo. Halimbawa, ang pangunahing tisyu sa puso ay ang myocardium, habang ang mga nakakalat na mga tisyu ng puso ay ang mga tisyung nerbyos, dugo, panikit na tisyu, at iba pa. Tinatawag ding menudo o minudo ang mga organo o laman-loob ng mga hayop.

                                     

1. Mga organo ng hayop

Ang mga pangkaraniwang organo sa mga hayop, bahay-bata, at pantog. Karaniwang tinatawag na mga laman-loob ang mga organong nasa loob ng katawan ng mga hayop. Bilang isang kaluponan, ang mga laman-loob ay tinaguriang viscera kung maramihan o viscus kung nag-iisa sa wikang Ingles.

                                     

2. Mga organong pang-halaman

Maaaring paghati-hatiin ang mga organong panghalaman sa behetatibo at reproduktibo. Ang mga organong behetatibo ay ugat, tangkay at dahon; habang mga reproduktibo ay ang bulaklak, buto at bunga.

Mahalaga ang mga organong behetatibo sa pagpapanatili ng buhay ng isang halaman ginagawa nila ang mga mahahalagang tungkuling behetatibo, katulad ng potosintesis, habang mahalaga naman ang mga organong reproduktibo sa pagpaparaming panghalaman ng espesye. Subalit kung mayroon reproduksiyong behetatibo o reproduksiyong asekswal, ang mga organong behetatibo ang siyang lumilikha ng bagong henerasyon ng mga halaman; samakatuwid, karaniwang lumilikha ang mga ito ng kolonyang kopya. Karaniwang ginagawa ng may-isang selulang organismo ang reproduksiyong asekswal hindi nangangailangan ng proseso ng pagtatalik.

                                     

3. Mga sistema ng organo

Ang isang grupo ng mga magkaka-ugnay na mga organo ay tinatawag na sistema ng organo. Maaaring magkakaugnay ang mga organo sa loob ng isang sistema sa anumang pamamaraan, subalit ang mga kaugnayan sa mga tungkulin ang mga karaniwang ginagamit. Halimbawa, binubuo ang sistemang yurinaryo ng mga organong nagtutulungan sa paglikha, pag-imbak, at pagdadala ng ihi.

Ang mga tungkulin ng mga sistema ng organ ay karaniwang may magkakabahagi at mahalagang pagkakapatung-patong. Halimbawa, ang mga sistemang nerbyos at endokrin ay kapwa nanunungkulan sa pamamagitan ng iisang organo: ang hipotalamus. Sa kadahilanang ito, pinagsanib ang dalawang sistema at pinag-aralan bilang sistemang neuroendokrin. Ito man ay totoo rin sa sistemang muskuloiskeletal, na kinasasangkutan ng mga kaugnayan sa pagitan ng sistemang muskular, ng pangsangkabutuhan at ng dihestibo.

                                     

4. Mga organo sa katawan ng tao ayon sa kinalalagyan

Ulo at leeg

  • mga ngipin
  • mga labi
  • larynx
  • mga tainga
  • orbit
  • pharynx
  • thyroid
  • glandulang parathyroid
  • dila
  • mukha
  • mga mata
  • glandulang pang-laway
  • anit
  • bibig
  • meninges
  • utak
  • ilong

Thorax

  • sikmura
  • glandulang mamarya
  • thymus
  • mga baga
  • diaphragm
  • puso
  • mediastinum

Puson

  • bituka
  • glandulang adrenal
  • mga bato
  • sikmura
  • lapay
  • peritoneum
  • apdo
  • duodenum
  • atay
  • appendix
  • colon

Balakang at perineum

  • titi
  • tubong fallopian
  • bahay-bata
  • perineum
  • coccyx
  • bulba
  • mga obaryo
  • pantog
  • tinggil
  • balakang
  • tumbong
  • puke
  • bayag
  • sacrum

Mga pang-itaas na sanga at mga pang-ibabang mga sanga

  • pigi
  • masel
  • iskeleton
  • balikat
  • siko
  • kasukasuan sa ugpuang ng kamay at mga daliri
  • kamay
  • bukung-bukong
  • tuhod
  • mga nerb


                                     

5. Mga sanggunian

Bibliyograpiya

  • Estrada, Horacio R. Ang Mga Bahagi ng Katawan ng Tao, isang masusuing paglalarawan ng anatomiya ng katawan ng taong nasusulat sa wikang Pilipino, NRCP Medical Series 1, STII.dost.gov.ph
  • Estrada, Horacio R. Ang Gawain ng Mga Organo ng Tao, pinapaliwanang nito ang mga tungkulin ng lahat ng mga organong matatagpuan sa katawan ng tao. NRCP Medical Series 3, STII.dost.gov.ph
  • Estrada, Horacio R. Ang Mga Selula ng Tao, tinatalakay ng seryeng ito ang histolohiya ng mga selula at iba’t ibang uri ng mga selula, at mga bahagi ng selulang natatagpuan sa katawan ng tao; nilalarawan din nito ang dibisyon o paghahati ng mga selulas, at ang pormasyon o pagbubuo ng selula para maging isang tisyu. NRCP Medical Series 2, STII.dost.gov.ph
                                     
  • Ang salitang organo ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod: organo musika instrumentong katulad ng piano. organo anatomiya kasangkapan o bahagi ng
  • binubuo ng mga organo na binubuo naman ng tisyu, na siya namang binubuo ng selula at tisyung pandugtong. Sinasabing ang kasaysayan ng anatomiya sa loob ng
  • May kaugnayan ito sa anatomiya para sa kaugnay ng musika, pumunta sa Organolohiya. Sa larangan ng anatomiya ang organolohiya ay ang pag - aaral na tumatalakay
  • tinatawag na nguso kapag nasa diwang dalawang mga labi ay ang nakikitang organo sa bibig ng mga tao at maraming mga hayop. Malambot ang kapwa labi, nakaungos
  • pinakamalaking organo ng sistemang integumentaryong binubuo ng maraming patong ng mga tisyung nagbabantay sa mga nakapailalim na mga masel at mga organo Magkakaiba
  • Sa anatomiya ng mga bertebrado, ang mga tadyang Ingles: mga rib, Latin: costae ay ang mahahabang nakabaluktot na mga butong bumubuo sa kulungang tadyang
  • hernia ay ang pag - usli, pag - ungos, o pagsungaw ng isang organo o dingding na pangmasel ng isang organo sa pamamagitan ng pagdaan sa uka o butas na karaniwang
  • Ang mga resulta ay ang mga sumusunod: Mga organo ng sistemang reproduktibong pambabae. Panlabas ng anatomiya ng tinggil. Malaking labia minora. Pagbabanat
  • ay maaari ring tumukoy sa mga sumusunod: kasangkapan anatomiya bahagi ng katawan ng tao. organo bahagi ng katawan ng tao. kasangkapan sa bahay kasangkapan
  • busilig, o buliga ang organo ng paningin na nakadarama ng liwanag. Iba t ibang uri ng mga madaling - makaramdam na mga organo ang matatagpuan sa mga magkakaiba t