Back

ⓘ Papa Víctor I




Papa Víctor I
                                     

ⓘ Papa Víctor I

Si Papa Víctor I ang Obispo ng Roma mula 189 CE hanggang 199 CE. Ayon sa Vatikano, ito ay mula 186 CE o 189 hanggang 197 o 201 CE. Siya ang unang obispo ng Roma na ipinanganak sa probinsiyang Romano ng Aprika. Malamang na siya ay ipinanganak sa Leptis Magna. Siya ay kalaunang kinanonisa at ang kanyang pista ay pinagdiriwang sa Simbahang Katoliko Romano tuwing Hulyo 28 bilang "San Victor I, Papa at Martir". Bago ang kanyang pagluklok sa episkopasiyang Romano, ang isang pagkakaiba sa pagpepetsa ng pagdiriwang ng Pascha sa pagitan ng Roma at mga obispo ng Asya menor ay pinayagan ng parehong mga simbahan sa Roma at silangan. Ipinagdiriwang ito ng mga simbahan sa Asya menor tuwing ika-14 ng buwang Nisan ng mga Hudyo na araw bago ang paskuwa ng mga Hudyo nang hindi isinasaalang kung anong araw ng linggo it mahulog dahil ang pagpapako ni Hesus ay nangyari sa Biyernes bago ang paskuwa. Tinawag ang mga ito ng Latin na Mga Quartodeciman. Ipinagdiriwan ng Roma at Kanluran ang Pascha tuwing linggo kasunod ng ika-14 ng Nisan. Si Victor I ay naaalala sa kanyang malaking pagkabahala na kanyang ipinakita para sa kaayusan ng simbahan sa pamamagitan ng pagputol ng mga kaugnayan sa mga obispong gaya nina Polycrates ng Efeso na sumalungat sa kanyang mga pananaw tungkol sa Pascha. Siya ay kumalas rin kay Theodotus ng Byzantium dahil sa mga paniniwala nito tungkol kay Kristo.

Hanggang sa panahon ni Victor, ang Roma ay nagdiriwang ng misa sa Griyego. Binago ni Victor ang wika nito sa Latin na ginagamit sa kanyang katutubong Hilagang Aprikano. Ayon kay Jeronimo, siya ang unang may akdang Kristiyano na sumulat tungkol sa teolohiya sa wikang Latin. Gayunpaman, ang mga misang Latin ay hindi naging pangkalahatan hanggang sa huli ng ika-4 na siglo CE.

May ilang nagmumungkahi na siya ang unang itim na Aprikanong papa ng Simbahang Katoliko Romano.

                                     
  • Si Papa Víctor II c. 1018 28 Hulyo 1057 na ipinanganak na Gebhard, Konde ng Calw, Tollenstein, at Hirschberg ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano
  • Si Papa Víctor III c. 1026 16 Setyembre 1087 na ipinanganak na Daufer, Latinisadong Dauferius ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano bilang kahalili
  • Si Papa Anastasio I na ipinanganak sa Roma at anak ni Maximus ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula Nobyembre 27, 399 hanggang 401. Kanyang kinondena
  • Si Papa Pio I ay ang Obispo ng Roma, ayon sa Annuario Pontificio, mula 142 CE o 146 CE hanggang 157 o 161 CE. Ang iba ay nagmumungkahing ang kaniyang pagka - Papa
  • Si Papa Martin I na ipinanganak sa Todi, Umbria sa lugar ngayong pinangalanan para sa kaniya Pian di San Martino ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano
  • Si Papa Sergio I c. 650 8 Setyembre 701 CE ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 687 CE hanggang 701 CE. Siya ay pinili upang wakasan ang isang
  • Si Papa Gregorio I c. 540 12 Marso 604 ay nagsilbing Papa at tagapamamahala ng Simbahang Katoliko mula 3 Setyembre, 590 hanggang sa kanyang kamatayan
  • Si Papa Juan I ay nagsilbing Papa at taganamamahala ng Simbahang Katoliko. Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka
  • Si Papa Pablo I 700 28 Hunyo 767 ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 29 Mayo 757 CE hanggang 28 Hunyo 767 CE. Siya ay unang nagsilbi bilang
  • sa Nederland na dating bahagi ng Alemanya. Si Víctor II, na namatay noong 1057, ang pinakahuling papa na nanggaling mismo mula sa loob ng mga modernong