Back

ⓘ James A. Garfield




James A. Garfield
                                     

ⓘ James A. Garfield

Para sa anak niya na isa ring politiko, tingnan ang James Rudolph Garfield.

Si James Abram Garfield ay naglingkod bilang pangulo ng Estados Unidos. Siya ang ika-20 pangulo ng Estados Unidos. Naupo siya sa loob lamang ng anim na buwan. Noong 2 Hulyo 1881, kulang dalawang buwan sa pagkakaupo niya bilang pangulo, nabaril si Garfield habang naghihintay sa isang tren sa isang estasyon ng tren sa Washington, D.C. Si Charles J. Guiteau ang asesinong pumatay kay Garfield, na ang dahilan ay ang pagtanggi ni Garfield na bigyan si Guiteau ng trabaho sa pamahalaan. Namatay si Garfield noong Setyembre 19 matapos maghirap ng higit sa dalawang buwan. Isa lamang siyang mahirap na bata na naging presidente sa kolehiyo, heneral, kongresista, at pangulo ng Estados Unidos. Si Garfield ang unang pangulo ng Estados Unidos na gumamit ng telepono.

                                     

1. Talambuhay

Isinilang si Garfield sa Orange, Ohio noong 19 Nobyembre 1831. Nagtapos siya mula sa Kolehiyong Williams noong 1856. Naging presidente siya ng Western Reserve Electric Institute mula 1857 hanggang 1861. Napangasawa niya si Lucretia Rudolph noong 1858.

Nahalal siya sa Senado bilang kinatawan ng Ohio noong 1859. Noong 1861, naglingkod siya sa Hukbo ng Unyon at naging tenyente-koronel. Noong taon ding iyon, nilisan niya ang hukbo na may ranggong komandante-heneral upang maupo sa Kongreso.

Mula 1863 hanggang 1880 naglingkod siya sa House of Representatives ng Estados Unidos. Noong 4 Marso 1880, nanumpa siya bilang ika-dalawampung pangulo ng Estados Unidos. Namatay siya sa Elberon, New Jersey.

Anak niya ang isa ring kilalang politiko sa Amerika, si James Rudolph Garfield.

                                     
  • May 276 lungsod, 257 nayon, at 1, 240 township ang estado. Mga nilalaman A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z Tingnan din Mga sanggunian
  • Pangulo ng Estados Unidos 4 Marso 1877 - 4 Marso 1881 Sinundan si Ulysses S. Grant Sinundan ni James A Garfield
  • under provisions of 25th Amendment. Served as Acting President under section 3 of the 25th Amendment on July 13, 1985, from 11: 28 a m. until 7: 22 p.m.
  • Philadelphia Pangulo Ulysses S. Grant Rutherford B. Hayes James A Garfield Chester A Arthur Nakaraang sinundan A Loudon Snowden Sinundan ni William S. Steel Member

Users also searched:

...