Back

ⓘ Creative Commons




                                     

ⓘ Creative Commons

Ang Creative Commons ay isang organisasyong hindi naglalayong kumita. Pangunahing layunin ng organisasyong ito ang mapayabong ang antas ng malilikhaing katha, gawa, komposisyon o intekwal na pagaari na maaring ibahagi sa iba ng legal. Ang pamamahagi sa ilalim ng prinsipyong ito ay nakasalalay sa ibat ibang kondisyong inilatag ng mag-akda o katha sa kaniyang gawa.

                                     

1. Ang Layunin

Ang huwebsayt website ng Creative Commons ay nagbibigay ng kakayahan sa mga nagmamayari ng Karapatang Ari o copyrights na bigyan ang publiko ng mga karapatan, habang pinanatili ng sarili niyang karapatan at pagkilala. Ang karapatang kaniyang ibinabahagi sa iba ay nakapaloob sa lisensiya. Ilang sa mga karapatan na ito ay ang maipamahagi sa iba ang katha, mabago ito, o mapagkakitaan. Gayumpaman, sa ibang lisensiya, limitado ang mga karapatan na ito. Pinapayuhan ang publiko na basahing maigi ang nilalaman ng lisensiya. Masasabing ang panunahing intensiyon sa likod ng CC ay ang maiwasan ang suliranin hingil sa kasalukuyang batas patungkol sa Karapatang Ari.

                                     

2. Kasaysayan

Ang kasaysayan ng mga lisensiyang CC ay maaring ibalik sa panahon pa ng Open Public License o OPL at ng GNU Free Documentation License o GFDL. Ang GFDL ay pangunahing naglalayon na magbigay ng lisensiya sa mga dokumentasyon ng software, ngunit ito rin ay naging aktibo sa paggamit ng mga hindi kaugnay na proyektong pang software, gaya ng Wikipedia. Ang OPL naman sa kabilang banda ay naging "defunct" o nagkaroon ng di maayos na mekanismo. Maging ang maglikha ng OPL ay nagbigay ng suhestyon na ang paggamit nito sa mga bagong proyekto ay hindi na dapat panggamitin. Parehong ang OPL at GFDL ay naglalamn ng mga opsyonal na bahagi na, sa opinyon ng mga kritiko, ay naging dahilan upang ang mga ito maging mababa sa antas ng "kalayaan" o pagiging "libre". Ang GFDL ay nagkaroon ng pagkakaiba sa CC sa ibat ibang rekwisito.

Ang Golden Nica Award for Creative Commons ay opisyal na naipalabas noong 2001. Si Lawrence Lessig, ang ama at "chairman" ng Creative Commons, ang nagpasimula ng organisasyon bilang karagdagang kaparaan upang maisakatuparan ang layunin ng Korte Suprema ng Estados Unidos sa kasong Eldred laban kay Ashcroft. Ang mga pangunahing lisensiya ay naipalabas sa publiko noong 16 Disyembre 2002. Ang proyektong ito ay kinilala ng Golden Nica Award at ng Prix Ars Electronica sa kategoryang "Net Vision" noong 2004.

                                     

3. Lokalisasyon

Ang pangunahing lisensiyang CC ay naisulat sa legal na sistemang pang Estados Unidos. Sa kadahilanang ito ang mga pananalita at terminong nagamit ay hindi perpektong umaakma sa mga batas ng ibang bansa. Ang modelong ito ay walang pakundangan sa batas, at maaring hindi kilalanin ng ibang bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit ang iCommons International Commons ay naglayong isalokal ang mga lisensiya. Taong 2004, Agosto 24 nang ang 21 representate ng ibat ibang bansa at rehiyon ang lumahok sa pangungunang ito.

                                     

4. Mga Proyekto at Likha na Gumagamit ng Lisensiyang CC

Milyong huwebsayt ang gumagamit ng Lisensiyang CC. Mayroong katalog na naglalaman ng mga ngalan ng mga huwebsayt na ito, ngunit ito ay hindi na "updated" o nasapapanahon.

Ilan sa mga kilalang site ay ang mga:

  • Public Library of Science
  • Groklaw
  • Tufts OpenCourseWare
  • Open Yale Courses
  • Notre Dame OpenCourseWare
  • OpenLearn
  • Open.Michigan
  • MIT OpenCourseWare

Mga Kilalang "Record labels"

  • Opsound
  • Krayola Records
  • Fading Ways Music
  • LOCA Records
  • Magnatune
  • Thinner/Autoplate
                                     

5. Talasanggunian

Soriano, James N. Borador draft ng mga lisensiya para sa sistemang pambatas ng Pilipinas. Ingles pa rin, pero isinalin sa terminolohiya ng batas Pilipino.

Pinananatili ang mga reperensiyang ito sa Wikang Ingles, pagkat walang katiyakan kung ang mag reperensiya ay naisalin sa wikang Tagalog.

  • Johnstone, Sally M. "Sharing Educational Materials Without Losing Rights." Change 35, no. 6 2003: 49-51.
  • Ermert, Monika. "Germany Debuts Creative Commons." The Register, 15 Hunyo 2004.
  • Fitzgerald, Brian, and Ian Oi. "Free Culture: Cultivating the Creative Commons." 2004.
  • - - -. "Out of the Way: How the Next Copyright Revolution Can Help the Next Scientific Revolution." PLoS Biology 1, no. 1 2003: 30-31.
  • Plotkin, Hal. "All Hail Creative Commons: Stanford Professor and Author Lawrence Lessig Plans a Legal Insurrection." SFGate.com, 11 Pebrero 2002.
  • Brown, Glenn Otis. "Academic Digital Rights: A Walk on the Creative Commons." Syllabus Magazine Abril 2003.
  • Weitzman, Jonathan B., and Lawrence Lessig. "Open Access and Creative Common Sense." Open Access Now, 10 Mayo 2004.
  • Schloman, Barbara F. "Creative Commons: An Opportunity to Extend the Public Domain." Online Journal of Issues in Nursing, 13 Oktubre 2003.
  • Lessig, Lawrence. "The Creative Commons" 1994 vol.55 Florida Law Review 763.
  • Stix, Gary. "Some Rights Reserved." Scientific American 288, no. 3 2003: 46.
  • "Delivering Classics Resources with TEI-XML, Open Source, and Creative Commons Licenses." Cover Pages, 28 Abril 2004.
  • Denison, D.C. "For Creators, An Argument for Alienable Rights." Boston Globe, 22 Disyembre 2002, E2.
  • Conhaim, Wallys W. "Creative Commons Nurtures the Public Domain." Information Today 19, no. 7 2002: 52, 54.
  • Chillingworth, Mark. "Creative Commons Attracts BBCs Attention." Information World Review, 11 Hunyo 2004.
  • Asschenfeldt, Christiane. "Copyright and Licensing Issues - The International Commons." In CERN Workshop Series on Innovations in Scholarly Communication: Implementing the Benefits of OAI OAI3, 12-14th Pebrero 2004 at CERN, Geneva, Switzerland. Geneva: CERN, 2004. video
  • Ardito, Stephanie C. "Public-Domain Advocacy Flourishes." Information Today 20, no. 7 2003: 17.19.


                                     
  • nito. Kabilang ang ilang ipinalimbag ng Mapanlikhang mga Karaniwan Creative Commons sa mga iba pang halimbawa ng mga lisensiya ng malayang - nilalaman
  • Earth - 616 at the Marvel Database Wiki, which is licensed under the Creative Commons Attribution - Share Alike 3.0 Unported CC - BY - SA 3.0 license. Betty
  • August 8, 2017. Creative Commons Attribution - NonCommercial 4.0 International CC BY - NC 4.0 license creativecommons.org. Creative Commons Nakuha noong
  • tour of Regensburg Stone Bridge of Regensburg Digital Media Archive creative commons - licensed photos, laser scans, panoramas mainly covering the medieval
  • ISBN 978 - 971 - 91719 - 5 - 9. Page Nation. President Elpidio Quirino Avenue Creative - commons Nakuha noong 1 Hulyo 2012. Anonymous. Beware of Quirino Avenue
  • Mirza is a civil title, and Khan is a military one. The title of Khan is creative but not hereditary. pg 601 Monthly magazine and British register, Volume
  • pang - aliwang JYP Entertainment. Sa Estados Unidos ay hawak naman sila ng Creative Artists Agency. The Wonder Years 2007 Wonder World 2011 Reboot 2015
  • N Blues Moore, Micki January 30, 1990 Lynda Carter: Beauty and the creative fire Toronto Star. Toronto: Torstar Syndication Services. pa. E1. ISSN 0319 - 0781
  • Culture and the Arts, Likhaan Foundation, Inc., at LIKHAAN: The UP Institute of Creative Writing. Panitikan - Karagdagang mga impormasyon ukol sa panitikan
  • Cunningham 2013 Hidden Innovation: Policy, Industry and the Creative Sector Creative Economy and Innovation Culture Se Series Univ. of Queensland
  • oftaawards.com. Nakuha noong November 25, 2016. The 42nd Annual Daytime Creative Arts Awards PDF Emmy Online. Nakuha noong December 29, 2015. Opisyal

Users also searched:

...
...
...