Back

ⓘ Buhok




Buhok
                                     

ⓘ Buhok

Ang buhok ay mga mahahabang hibla ng balahibo na matatagpuan sa ibabaw ng ulo ng tao at maging sa balat ng mga ito. Mayroon ding buhok ang mga hayop katulad ng ibon, baboy at unggoy ngunit kadalasang balahibo ang tawag dito sa halip na buhok. Balbon, mabuhok o mabalahibo ang tawag sa isang taong maraming balahibo o buhok sa katawan. Bigote ang tawag sa buhok sa ibabaw ng pang-itaas na labi, maging sa piltrum, ng tao, samantalang balbas naman ang tumutukoy sa mga buhok na tumutubo sa paligid ng bibig kabilang na ang bigote. Tinatawag ding misay ang bigote o balbas. Balbasarado ang tawag sa isang taong may balbas, samantalang bigotilyo naman ang may bigote. Bulbol naman ang karaniwang tawag sa buhok sa may kili-kili at iyong nakapalibot sa kasangkapang pangkasarian ng tao o hayop.

                                     

1. Bigote

Ang bigote ay isang buhok sa mukha na tumutubo sa itaas ng labi. Ang mga bigote ay maaaring ayusin sa pamamagitan ng pagbawas ng buhok at paglalagay ng isang klase ng pomada na tinatawag na moustache wax.

Kasaysayan ng bigote Ang pag-aahit gamit ang mga pinatalim na bato ay posible mula noong panahong Neolitiko, ngunit ang pinakalumang larawan na nagpapakita lalaking may na-ahit na bigote ay isang sinaunang Iranyanong kabalyero noong ika-3 daangtaon BK. Sa mga kanluraning kultura, iniiwasan ng mga babae ang pagtubo ng buhok sa mukha. Karaniwan sa mga babaeng ito ay gumagamit ng isang klase ng pagbubunot para matanggal ang mga ito. Sa mangilan-ilang pagkakataon, may mga kababaihang pinapabayaan at tinatanggap ang pagtubo ng mga ito, karaniwang sa pormang tinatawag na bigotilya. Ang Mehikanang alagad ng sining na si Frida Kahlo ay inilarawan ang kaniyang sarili sa kanyang mga obra na mayroong bigote at magkarugtong na mga kilay. Ang pagkakaroon ng bigote ay nagkaroon ng mga kahulugan sa ibat ibang kultura. Halimbawa, sa maraming ika-20 siglong Arabong bansa, ang pagkakaroon ng bigote ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kapangyarihan, ang balbas naman ay nangangahulugan ng pagiging tradisyonal sa paniniwalang Islam, at ang hindi naman pagkakaroon ng buhok sa mukha ay nangangahulugan naman ng pagiging liberal. Pagpapatubo at pangangalaga Ang bigote ay pwedeng maalagaan sa pamamagitan ng pag-aahit ng buhok sa bandang baba at pisngi upang mapigilang maging balbasarado. Sari-saring mga kagamitan ang disenyo para sa pangangalaga ng mga bigote, ilan sa mga ito ay ang labaha, pomada, moustache net, sipilyong pangbigote, suklay na pangbigote, at gunting na pangbigote. Sa Gitnang-Silangan, nauuso ang paglilipat ng bigote sa pamamagitan ng isang operasyon na tinatawag na follicular unit extraction upang magkaroon pa ng mas malago at mas magandang buhok sa mukha. Mga pambihirang bigote Ang pinakamahabang bigote ay pagmamay-ari ni Ram Singh Chauhan ng India na may habang 4.29 na metro. Sinukat ito sa palabas na Lo Show dei Record sa Roma, Italya, noong ika-4 ng Marso, taong 2010. May pagkakataon na ang isang klase ng bigote ay naiuugnay sa isang indibidwal na halos ito lamang ang kailangan upang makilala siya at wala nang idinadagdag pa para ilarawan siya, gaya sa kaso ni Adolf Hitler. Sa kaso naman nina Groucho Marx at Charlie Chaplin, ang mga bigote na siyang ginamit nila nang matagal na panahon na siyang ikinasikat nila ay artipisyal lamang. Ang bigote ni Kaiser Wilhelm II naman na sobrang pinalaki ay kadalasang kumakatawan sa propagandang Triple Entente.
                                     
  • hair, axillary hair o armpit hair ay ang buhok na tumutubo sa kili - kili. Ang buhok sa kili - kili, bilang buhok sa katawan, ay karaniwang tumutubo sa simula
  • sa mga kulay puti at abuhing buhok ng tao, lalo na yung pag - aari ng mga matatanda. Kilala ang mga taong may maputing buhok bilang ubanin, mauban at may - uban
  • karaniwang tumutukoy sa isang taong gumugupit, tagagupit, o pumuputol ng buhok ng isang kliyenteng nagbabayad. Panlahat na tawag ito maging babae man o
  • Lumilitaw ang puyo kung ang direksiyon ng buhok ay bumubuo ng paikot na padron. Maaaring tuwid ang pagkakatayo ng buhok sa isang puyo o maaari ding nakahiga
  • Ang balbas o bungot ay ang buhok na tumutubo sa ibabang bahagi baba, mga pisngi at leeg ng mukha ng isang tao. Ang buhok na lumalaki sa itaas na labi
  • Ang bulbol o ay kulot na buhok o balahibo na tumutubo sa ibaba ng puson, sa may singit at sa paligid ng ari ng tao na nagsisimula ng panahon ng pagbibinata
  • mukha at buhok ng mga kababaihan. Kaya t hindi bago ang diwa at kasiyahan sa paggamit ng mga kosmetiko at pagsubok sa iba t ibang mga estilo ng buhok bagaman
  • pangharap na bahagi ng ulo. Sa tao, mula ito sa noo hanggang baba kabilang ang buhok noo, mga kilay, mga mata, ilong, mga pisngi, bibig, mga labi, piltrum
  • sa kili - kili, at maschale naman sa Griyego. Karaniwang tumutubo ang mga buhok sa kili - kili ng kapwa mga lalaki at mga babae, simula sa panahon ng pagbibinata
  • mga glandula ng balat na nagdurulot ng langis, mantika, o sebong para sa buhok at balat. Gaboy, Luciano L. Sebaceous gland, sebaceous - Gabby s Dictionary:
  • pangsangkabalatan ay isang panlabas na takip ng katawan, na binubuo ng balat, buhok mga balahibo, kaliskis, mga kuko, mga glandulang pampawis at ang kanilang

Users also searched:

...