Back

ⓘ Koyote




Koyote
                                     

ⓘ Koyote

Para sa ibang gamit, tingnan ang Koyote paglilinaw.

Ang koyote, kilala rin bilang lobo ng parang, ay isang mamalyang sa ordeng Carnivora. Matatagpuan ang mga uri sa kabuoan ng Hilaga at Gitnang Amerika, mula Panama sa timog, hilagang tumatawid ng Mehiko, sa Estados Unidos, at Canada. Lumilitaw ito hanggang sa malayong hilaga ng Alaska at lahat maliba sa pinakahilagang bahagi ng Canada. Sa kasalukuyan, mayroong mga kinikilalang mga 19 sub-uri, na 16 ang nasa Canada, Mehiko, at Estados Unidos; at 3 sa Gitnang Amerika. Hindi tulad ng pinsan nitong abong lobo, na nagmula sa Eurasia, nagmula ang koyote sa Hilagang Amerika kasabayan ng lobong Dire. Iniisip ng ilang mga eksperto na ang pinagmulang Hilagang Amerika ng koyote ang dahilan kung bakit mas adaptibo kesa mga lobo; dahil sa mga presyong prehistoriko na kinasasangkutan ng mas malawak o mas malakas na predasyon.

                                     

1. Pangalan

Hinango ang pangalang "coyote" o koyote mula sa Mehikanong Kastila, na higit namang nagbuhat sa wikang Nahuatl na may salitang coyotl bigkas: ko-liyo-telh. Nangangahulugang "asong kumakahol" ang pangalang agham nitong Canis latrans.

                                     
  • omniborong mga mamalyang kinabibilangan ng mga lobo, mga soro, mga tsakal, mga koyote at ng domestikadong mga aso tinatawag na kanido ang kasapi sa pamilyang
  • pang mga uri at maraming mga wala nang mga uri, kabilang ang mga lobo, koyote at tsakal. Mga sub - uri ng Canis lupus ang mga lobo at mga aso. Labis na
  • Kamatis Tomatl Tomate Kamatsile Cuamóchitl Guamúchil Kamote Camotli Camote Koyote var. kayote Coyotl Coyote Kulitis Quilitl Quelite Mekate Mecatl Mecate
  • Nagkakaisang Estado Powder niyebeng liyebre kumakatawang Bumibilis Copper koyote kumakatawang Tumataas Coal itim na oso kumakatawang Lumalakas 2006 Turino
  • Koyote Village Residence Hall