Back

ⓘ Dinamarka




                                               

Danes

Ang katagang Danes ay isang pang-uring may-kinalaman sa bansang Dinamarka. Maaari itong tumukoy sa: Wikang Danes, isang wikang Hilagang Alemaniko o Eskandinabo na pambansang wika ng Dinamarka. Mamamayang Danes ; mga mamamayan ng Kaharian ng Dinamarka.

Dinamarka
                                     

ⓘ Dinamarka

Para sa ibang gamit, tingnan ang Dinamarka paglilinaw.

Ang Dinamarka, opisyal na Kaharian ng Dinamarka ay ang pinakamaliit na bansang Nordiko sa heograpiya at bahagi ng Unyong Europeo. Matatagpuan sa Scandinavia, na nasa hilagang Europa. Nasa Dagat Baltic at Hilagang Dagat ang mga hangganan nito, at binubuo ng isang peninsulang nakakabit sa Hilagang Alemanya pinangalang Jutland, ang mga pulong Funen, Zealand, Bornholm at maraming mga malilit na pulo, kadalasang tinutukoy ang mga tubig bilang Kapuluang Dansk. Nasa hilaga ng Alemanya, timog-kanluran ng Sweden at timog ng Norway. Mga Koronang teritoryo ang Greenland at ang Mga Pulo ng Faroe ng Dinamarka, na may debolusyon ang bawat isa.

Tinatawag na mga Danes lalaki at Danesa babae ang mga mamamayan ng Dinamarka. Nagsasalita sila ng wikang Danes o wikang Danesa.