Back

ⓘ Phascolarctos cinereus




Phascolarctos cinereus
                                     

ⓘ Phascolarctos cinereus

Ang Koala ay isang hayop na kumakain ng halaman na may pandak ngunit matipuno o siksik na pangangatawan na naninirahan at katutubo sa Australya. Isa itong hayop na naninirahan sa puno at kabilang sa mga marsupial o mga hayop na walang plasenta ang mga babae, sa halip mayroon silang marsupium o supot sa labas ng tiyan na pinaglalagyan ng sanggol pang anak. Sila ang tanging umiiral pang kinatawan ng pamilyang Phascolarctidae.

Matatagpuan ang koala sa mga mabaybaying rehiyon ng silanganin at katimugang Australya, mula sa malapit na Adelaide hanggang sa katimugang bahagi ng Tangway ng Cape York. Umaabot din ang mga populasyon sa malalayong mga distansiya paloob ng lupain sa mga rehiyong mas sapat na pamamasa upang masuportahan ang mga lupaing magubat. Malawakang pinaslang ang mga koala ng Timog Australya noong maagang bahagi ng ika-20 daantaon, subalit muli nang napadami ang populasyon ng estado mula sa pinaglahian o angkang nasa Victoriano. Hindi natatagpuan ang koala sa Tasmania o Kanlurang Australya.

                                     
  • Ang P. cinereus ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod: Phascolarctos cinereus ang mamalyang koala. Pampus cinereus ang isdang alumbiberas.