Back

ⓘ Ursus maritimus




Ursus maritimus
                                     

ⓘ Ursus maritimus

Ang Ursus maritimus, ay isang malaking osong naninirahan sa Artiko. Unti-unti na itong nangangamatay dahil sa pag-init ng globo na nagdurulot ng pagkaunti ng yelo. Kayat kapag lumalangoy ang mga polar bear, hindi sila nakapapamahinga, at nalulunod.

                                     

1. Kaanyuan

Ang balat ng polar bear ay binubuo ng isang patong ng makapal na pang-ilalim na balat at isang panlabas na sapin ng pansanggalang na mga buhok, na lumilitaw na puti o may pagkakayumanggi subalit nanganganinag sa katunayan. Napapanatiling mainit ang kanilang pakiramdam dahil sa mabalahibong kabalatan. Malalaksa sila at nakalalangoy din. Katulad ang kanilang sukat o laki sa isang pangkaraniwang oso ngunit may mas payat na leeg, mahahabang mga binti, at balahibo.

                                     

2. Buhay

Karamihan sa kanila ang karniboro o kumakain ng karne. Karamihan sa mga kinakain nila ang mga karnerong dagat at isda. Kapag naninila ang mga osong polar, kalimitan silang naghihintay sa mga butas sa niyebe, kung saan umaahon o sumisilip upang huminga. Namumuhay silang nag-iisa. Pumipiling sa kanilang mga ina ang mga batang polar bear sa loob ng 1.5–2.5 mga taon, at nagiging nasa hustong gulang na kapag 5–6 mga taon na. Iniisip ng mga tao na umaabot sa 25–30 taong gulang sa kalikasan ang mga osong polar, subalit umaabot ng 45 mga taon ang buhay kung nasa mga soo o katulad na pook.

                                     

3. Pagtatalik

Nagtatalk ang mga lalaki at babaeng osong polo tuwing Abril o Mayo. Isinisilang ang osong tuta o sanggol na osong polo tuwing Disyembre kung kailan nasa proseso ng hibernasyon o namamahingang natutulog sa loob ng saglit napanahon ang ina nito. Nananatili sa lungga ang tuta na kapiling ang ina, at lumalabas na sila pagkaraan. Kailangan nilang kumain kaagad pagkatapos ng hibernasyon. Kung minsan, dahil sa pag-init ng globo, hindi ito maaari at namamatay ang mga tutang oso bago sila magkaroon ng pagkakataong mamuhay. Nililisan ng ina ang tuta pagsapit ng 2–3 mga taon.

                                     
  • katawan sa pamamagitan lamang ng malapit na pinsan nito, ang puting oso Ursus maritimus na mas kaunti sa laki at katamtaman dahil sa ito. Ang lathalaing
  • Ang osong dagat ay maaaring tumukoy sa: Osong polar Ursus maritimus Mabalahibong karnerong - dagat
  • linyang ebolusyonaryo: Cetacea, Sirenia, Desmostylia, Pinnipedia, Ursus maritimus polar bear Kolponomos marine bear Thalassocnus aquatic sloth
  • 25 gramo 0.88 ans at 11 sentimetro 4.3 in ang mga polar bear Ursus maritimus na maaaring timbangin ng hanggang sa 1, 000 kilo 2200 sa southern
  • malakihang iskalang ebolusyon ang osong polar Ursus maritimus Ito ay nauugnay sa brown bear Ursus arctos Ang dalawang ito ay makakapagtalik at makakalikha