Back

ⓘ Pahunos




Pahunos
                                     

ⓘ Pahunos

Ang pahunos o ikapu – orihinal na nangangahulugang ika-sampung bahagi – ay ang ika-sampung bahagi ng kitang salapi, ani, o hayop na boluntaryong inaalay sa kawanggawa o kaya ibinibigay bilang abuloy sa simbahan, o bilang bayad sa pataw na buwis. Mayroon itong layuning panrelihiyon.

Sa Lumang Tipan ng Bibliya, nagbibigay ang mga tao ng Diyos ng pahunos bilang tanda na pag-aari ng Diyos ang lupa at dahil biniyayaan sila ng Diyos. Ginagamit din ang pahunos bilang pagbibigay ng suporta o tulong para sa mga pari, mga Lebita, at mga mahihirap na tao, katulad ng mga nahihiwalay o dayuhan, mga nawalan ng ama, at sa nabalo, mga taong itinuturing na nangangailangan ng pag-aaruga sa tulong ng karaniwang kaban ng yaman ng pamayanan o "pitaka ng bayan". Isa itong gawain na nagpapaalala sa mga Israelita ng kanilang responsibilidad sa pamayanan. Kaugnay ng Deuteronomyo 26, isang pagkilala na biyaya ng Diyos ang pag-aalay ng unang produkto ng isang pag-ani o "unang mga bunga", dahil ibinibigay ng Diyos ang mga pangangailangan ng tao. Isang pagtugon ng pagsamba at pasasalamat sa Diyos ang alay ng pahunos, na katumbas ng isang taong pagkalinga at pangangalaga ng Diyos sa tao.

Sa kasalukuyang paggamit, isa itong pag-aalay ng pera sa Diyos para sa kabutihan ng pamayanan. Mahalaga pa ring pagpapahayag ang pahunos hinggil sa pagmamay-ari ng Diyos, sapagkat isang paraan ng pagpupuri at pagsamba ang masayahing pagbibigay sa Diyos para sa paglalaan at pangangalaga. Ayon sa Bagong Tipan, hindi kailangan ang pagtatabi ng persentahe ng kita o suweldo, subalit itinataguyod nito ang diwa ng kasayahan ng isang tagapagbigay na nagpaplanong magbigay para sa pangangailangan ng komunidad.

                                     
  • Naglabas siya ng tinapay at alak, binasbasan si Abram, tumanggap ng mga pahunos mula sa kanya. Hen. 14: 18 - 20 Tinukoy siya sa Salmo 110: 4 kung saan ipinahayag
  • pangalang Schavis at Sclavi ay lumitaw sa Libro delle decime aklat ng pahunos ng 1309 at ng 1328. Karaniwan na nalalaman na mayroong isang kolonya ng

Users also searched:

...
...
...