Back

ⓘ Bael




Bael
                                     

ⓘ Bael

Ang Bael বাংলাঃ বেল ay isang namumungang punong katutubo sa tuyong mga kagubatang nasa ibabaw ng mga burol at kapatagan ng gitna at katimugang Indiya, katimugang Nepal, Sri Lanka, Myanmar, Pakistan, Bangladesh, Biyetnam, Laos, Cambodia at Thailand. Itinatanim at inaalagaan ito sa kabuoan ng Indiya, maging sa Sri Lanka, hilagang Tangway ng Malay, Java at sa Pilipinas. Kilala rin ito sa mga katawagang bungang Bael, Bilva, Bilwa, Bel, Kuvalam, Koovalam, Madtoum, o bungang Beli, Bengal quince, batong mansanas, at mansanas na kahoy. Ito lamang ang uri ng punong kabilang sa saring Aegle.

                                     

1. Paglalarawan

Tumataas ang puno ng Bael magpahanggang 18 mga metro at nagbubunga ng mga tinik at mababangong mga bulaklak. Mayroon itong bungang may makahoy na balat at umaabot sa 5 hanggang 15 sentimetro ang diyametro. May ilang mga uri ng bunga na napakatigas ng balat kayat dapat na pukpukin ng martilyo upang mabuksan. Marami itong mga butong natatakipan ng makakapal na mga mahihiblang mga buhok na nakabaon sa makapal, madikit, at mabangong pulpo o laman ng bunga. Mayroon itong matindi o "astrinhente" ngunit kaaya-ayang lasa.

                                     

2. Bilang gamot

Sa Indiya, ginagamit ang laman ng prutas ng Bael sa paggamot sa pagtataeng lusaw diyareya, disenterya pagtataeng may dugo, at pagtataeng may pamumutla o may anemyasprue. Tinutuyo ang bunga nito at napaghahanguan ng likidong katas. Kinikilala ang pakinabang ng bunga ng Bael sa Britanya, subalit hindi sa Estados Unidos. Hindi tiyak ang reputasyon nito sa pagbibigay ng lunas.

                                     
  • Baclayan Baclig Bacolor Bacotot Bactad Bacunawa Badabgio Badar Baddas Badjao Bael Baga Bagadiong Bagain Bagala Bagalayos Bagaman Bagang Bagaoisan Bagarinao