Back

ⓘ Sakit sa pag-iisip




Sakit sa pag-iisip
                                     

ⓘ Sakit sa pag-iisip

Ang pagka-sira ng ulo o diperensiya sa pag-iisip ay isang karamdaman sa isipan na nagdudulot sa isang indibidwal na mangagat nalang bigla at magkaroon ng pag-aasal, pakiramdam o personalidad na itinuturing na hindi bahagi ng normal na pag-unlad sa isipan ng isang normal na indibidwal. Ang kapansanan o ang hindi kakayahan na mamuhay ng normal sa lipunan ay depende sa uri ng sakit sa pag-iisip ng isang indibidwal at sa ginagawang paraan upang magamot ito. Ang isang sakit sa pag-iisip na napabayaan ay maaaring magdulot ng paglala nito o panganib sa isang indibidwal at sa lipunan. Halimbawa, ang depresyon at ang diperensiyang bipolar na pinabayaan at hindi natugunan ng pansing medikal ay maaaring magtulak sa isang indibidwal na magpatiwakal. Ang sakit sa pag-iisip ay maaaring mamana mula sa isang magulang o kamag-anak, lumitaw dahil sa hindi normal na paggana ng mga neurotransmitter sa utak ng isang indbidwal, maging resulta ng mga pangyayari sa pagbubuntis o kapanganakan ng isang indibidwal o lumitaw sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga karanasan na nagdudulot ng trauma sa isang indibidwal.

                                     

1. Klasipikasyon ng mga sakit sa pag-iisip

Sa kasalukuyan may dalawang nilikhang sistema para uriin ang mga sakit sa pag-iisip: ang Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders DSM-IV na nilikha ng American Psychiatric Association APA at ang ICD-10 Chapter V: Mental and behavioural disorders na bahagi ng International Classification of Diseases na nilikha ng Organisasyon ng Pandaigdigang Kalusugan World Health Organization o WHO.

                                     

1.1. Klasipikasyon ng mga sakit sa pag-iisip Sistemang multi-axial ng DSM-IV

Ang DSM-IV ay nagpapangkat ng mga saykaytrikong dayagnosis sa limang dimensiyon o aksis na tumutukoy sa ibat ibang aspeto ng diperensiya o kapansanan:

  • Axis I: Mga diperensiyang klinikal kabilang ang karamihan ng mga sakit sa pag-iisip at diperensiya sa pagkatuto at diperensiya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot
  • Axis II: Mga diperensiya sa personalidad at kapansanang intelektwal bagamat ang mga diperensiya sa pag-unlad gaya ng Awtismo ay isinama sa axis II ngunit ito ay kasama na ngayon sa axis I
  • Axis III: Mga akyut na kondisyong medikal at mga pisikal na kapansanan
  • Axis IV: Psaykosoyal at pangkapaligirang mga paktor na nag-aambag sa sakit.
  • Axis V: Global na pagsusuri ng pagkilos o global na pagsusuri ng pagkilos para sa mga bata at tinedyer sa ilalim ng 18 taong gulang.

Common Axis I na mga diperensiya ay kinabibilangan ng depresyon, diperensiyang pagkabalisa, diperensiyang bipolar, ADHD, diperensiyang spektrum ng awtismo, anorexia nervosa, bulimia nervosa, at schizophrenia.

Common Axis II na mga diperensiya ay kinabibilangan ng: diperensiyang paranoid na personalidad, diperensiyang schizoid na personalidad, diperensiyang schizotypal na personalidad, diperensiyang borderline na personalidad, diperensiyang antisosyal na personalidad, diperensiyang narsisistiko na personalidad, diperensiyang histrioniko na personalidad, diperensiyang pag-iwas na personalidad, diperensiyang umaasa na personalidad, diperensiyang obsesibo-kompulsibo na personalidad; at mga kapansanang intelektwal.

Common Axis III na mga diperensiya ay kinabibilangan ng: pinsala sa utak at iba pang medial/pisikal na diperensiya na maaaring magpatindi ng mga umiiral na karamdaman at kasulukuyang sintomas. existing diseases or present symptoms similar to other disorders.

                                     

2. Mga sanhi ng sakit sa pag-iisip

Ang isang sakit sa pag-iisip ay maaaring magmula sa kombinasyon ng mga dahilan. Ang isang karaniwang pinaniniwalaang pinanggalingan ng sakit sa pag-iisip ang genetiks na pinalala ng mga nakapagpapabalisang dahilan na nakukuha sa kapalagiran. Ang tawag sa teorya na ito ay Diathesis-stress model. Sa mga pagsasaliksik, ang mga genes na namamana ng isang anak sa isang magulang na may sakit sa pag-iisip may malaking papel sa paglikha ng sakit sa pag-iisip sa isang indibdwal. Bukod dito, ang ilang pang dahilan na pininiwalaang sanhi ng sakit sa pag-iisip ang: mga pangyayari sa kapaligiran na nangyayari sa pagbubuntis at pagsilang ng isang indibidwal; mga trawmatikong pinsala sa utak gaya ng malakas na pagkakabangga o pagkakabagok sa ulo ng tao; ang hindi normal na paggana ng neurotransmitter sa utak kabilang ang serotonin, norepinephrine, dopamine at glutamate; pagkakaiba ng sukat ng ilang rehiyon ng utak at mga aktibidad nito; mga sikolohilikal na mekanismo ng isang indibidwal gaya ng kognitibo pangangatwiran, mga emosyonal na proseso, personalidad at paraan ng pagtanggap sa isang mahirap na problema coping mechanism; mga impluwensiyang panlipunan kabilang ang pang-aabuso, pananakot bullying at iba pang mga negatibo o nakakabalisang karanasan sa buhay gaya ng problema sa trabaho, kawalan ng suportang panlipunan, at paglipat sa bagong lugar.



                                     

3. Mga paraan ng paggamot

May ibat ibang mga uri ng paggamot na ginagawa sa mga spesipikong sakit sa pag-iisp kabilang dito ang sikoterapiya, medikasyon gamot, at Electroconvulsive therapy.

Sikoterapiya

Ang Cognitive behavioral therapy CBT ay batay sa pagbabago ng mga paterno ng pag-iisip at pag-uugali na nauugnay sa isang partikular na diperensiya.

                                     

3.1. Mga paraan ng paggamot Sikoterapiya

Ang Cognitive behavioral therapy CBT ay batay sa pagbabago ng mga paterno ng pag-iisip at pag-uugali na nauugnay sa isang partikular na diperensiya.

                                     

3.2. Mga paraan ng paggamot Medikasyon

Ang mga antidepresant ay ginagamit sa paggamot ng depresyon pati na rin sa pagkabalisa anxiety at iba pang mga sakit. Ang ansiyolitiko pampakalma ay ginagamit para sa mga sakit na pagkabalisa anxiety at mga kaugnay na mga problema tulad ng insomya. Ang pampanatag ng damdamin mood stabilizer ay ginagamit sa diperensiyang bipolar. Ang antisikotiko ay ginagamit para sa mga diperensiyang sikotiko tulad ng eskisoprenya. Ang mga pampagising stimulant ay karaniwang ginagamit sa sakit na ADHD.

                                     

4. Epidemyolohiya

Ang mga sakit sa pag-iisip ay karaniwan. Sa buong mundo, ang isa sa tatlong mga tao sa karamihan ng mga bansa may ulat na mga kriteria sa isang sakit sa pag-iisip. Sa Estados Unidos, ang dami ng mga spesipikong sakit sa pag-iisip ay: diperensiya ng pagkabalisa anxiety disorder 28.8%, diperesensiya ng damdamin mood disorder 20.8%, impulse-control disorder 24.8% at pagabuso ng droga 14.6%

Sa Pilipinas

Sa Pilipinas, mayroong 46 outpatient hindi kailangan manatili sa hospital na mga pasilidad para sa kaisipang pangkalusugan. Ang mga pasilidad na ito ay gumagamot ng 124.3 kada 100.000 ng populasyon. Sa mga ginagamot, ang kababaihan ay binubuo ng 43% at ang mga bata o tinedyer ay binubuo ng 8%. Ang mga pangunahing dayagnosis sa mga pasilidad na ito ay: Eskisoprenya at mga kaugnay na sakit 57% at diperensiya ng damdamin mood disorder 19%. Ang National Center for Mental Health sa Pilipinas ay matatagpuan sa Nueve de Febrero St., Mandaluyong City.



                                     
  • karaniwang wika at pamantayan para sa pag - uuri ng mga sakit sa pag - iisip Ito ay ginagamit sa Estados Unidos ng Amerika at sa iba t ibang bansa buong mundo
  • the Criminally Insane Asilo ni Elizabeth Arkham para sa mga Kriminal na may Sakit sa Pag - iisip tipikal na tinatawag bilang Arkham Asylum ˈɑrkəm
  • ay isang uri ng sakit sa pag - iisip na inilalarawan ng paghina ng mga prosesong pang - isipan at ng kakulangan ng mga tugon na nauukol sa emosyon. Ang mga
  • Ang dementia ay isang salitang Ingles na maaaring tumukoy sa Demensiya, sakit sa pag - iisip at utak. Dementia komiks tauhan sa komiks.
  • katawagan sa sikiyatriya para sa sakit sa pag - iisip kung saan ang isang indibidwal ay sinusumpong ng matinding depresyon at matinding manya mania sa pakiramdam
  • syndrome, Mania sa bipolar disorder, Pagduduwal at Pagsusuka, Deliryo, Pagkabalisa, Talamak na sakit sa pag - iisip at mga guni - guni sa alak. Ito ay Maaaring
  • katawan, at ang pag - gamot ng mga sakit sa pag - iisip kagaya ng autismo at abuso sa droga. Bagaman ang dalubhasaan sa pag - aaral ng pag - uugaling sikolohiya
  • Prince Regent habang ang kanyang tatay ay may sakit sa pag - iisip Naitatag ang King s College London dahil sa kanyang pamumuno kasama ang Duke ng Wellington
  • Karamdaman Sakit Pinsala Kahinaan ng Kalamnan Karamdaman sa Pag - iisip Ang pagiging bukas sa mga nabanggit Kamatayan Exercise General Fitness Training
  • magnakaw μανία, manya o kabaliwan ay isang uri ng kalagayan o sakit sa pag - iisip na may neurotiko o hindi mapigilang udyok ng sarili na magnakaw o

Users also searched:

...
...
...