Back

ⓘ Antropolohiya




                                               

Antropolohiya

Ang agham-tao o _ o antropolohiya ay ang pag-aaral sa lahi ng tao. Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna ng usapin sa antropolohiya ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri o espesye sa isang pangkalahatang kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo - at ating sarili - na nakabatay. Ang mga tinandang taon na menos ay ukol sa Common Era o Karaniwang Pan ...

                                               

Antropolohiya ng relihiyon

Ang antropolohiya ng pananampalataya o antropolohiya ng relihiyon ay kinasasangkutan ng pag-aaral ng mga panimulaan o institusyong panrelihiyon na may kaugnayan sa iba pang mga institusyong panlipunan, at ang paghahambing ng mga paniniwala at mga gawaing panrelihiyon ng ibat ibang mga kultura. Ang antropolohiyang moderno ay nagpapalagay na mayroong kumpletong pagpapatuloy sa pagitan ng pag-iisip na makamadyik at ng relihiyon, at na ang bawat relihiyon ay isang produktong pangkultura, na nilikha ng pamayanan ng tao na sumasamba rito.

                                               

Antropolohiyang pang-ekonomiya

Ang antropolohiyang ekonomiko o antropolohiyang pang-ekonomiya ay isang larangang pang-iskolar na nagtatangkang maipaliwanag ang ugaling pang-ekonomiya ng tao, na gumagamit ng mga kasangkapan na kapwa pang-ekonomiya at pang-antropolohiya. Isinasagawa ito ng mga antropologo at mayroong isang masalimuot na ugnayan sa ekonomiks. Mayroong tatlong pangunahing paradigmo sa loob ng antropolohiyang pang-ekonomiya: ang pormalismo, ang substantibismo, at ang kulturalismo. Ang lathalaing ito na tungkol sa Antropolohiya at Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

                                               

Antropolohiyang pangkultura

Ang antropolohiyang pangkultura o antropolohiyang pangkalinangan ay isang sangay ng antropolohiya na nakatuon sa pag-aaral ng kasamut sariang pangkultura sa mga tao, na nagtitipon ng mga dato hinggil sa epekto ng pangglobong mga proseso na pang-ekonomiya at pampolitika sa lokal na mga katotohanang pangkultura. Gumagamit ang mga antropologo ng mga paraan, kabilang na ang obserbasyon ng partisipante, mga panayam, at mga surbey na pang-estadistika. Ang kanilang pananaliksik ay kadalasang tinatawag na gawaing panlarangan dahil kinasasangkutan ito ng paglalagi ng mga antropologo nang matagalan ...

                                               

Antropolohiyang urbano

Ang antropolohiyang urbano ay isang kabahaging pangkat ng pag-aaral sa larangan ng antropolohiya na nakatuon sa mga paksa ng urbanisasyon, pagdarahop, at neoliberalismo. May pagkabago at umuunlad pa lamang ang larangan ito, na napagsama-sama noong mga dekada ng 1960 at ng 1970. Tinatawag ding antropolohiyang panlungsod, ang antropolohiyang urbano ay isang larangan na napapaloob sa disiplinang tinatawag na antropolohiyang panlipunan. Ang pangunahing kaisipan sa likod nito ay ang pagtingin sa penomena ng lungsod bilang parehong katha ng kalikasan at bunga ng lipunan. Sa madaling salita, ang ...

                                               

Antropolohiyang biyolohikal

Ang antropolohiyang biyolohikal o antropolohiyang pisikal ay isang sangay ng antropolohiya na nag-aaral sa mga mekanismo ng ebolusyong biyolohikal, pagmamanang henetiko, adaptasyong pantao at baryasyon, primatolohiya, morpolohiyang primata, at tala ng mga labi ng ebolusyong pantao. lahat ng itoy nakatuon lamang sa iisang pag-aaral. nakatuon din dito ang pag-iiba o pagbabago ng ating linggwahe. Ang lathalaing ito na tungkol sa Antropolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

                                               

Antropolohiyang pampolitika

Ang antropolohiyang pampolitika ay isang disiplina ng pag-aaral na sumasakop sa kayariang pampolitika at panlipunan ng isang lipunan. Nakatuon ang larangang ito sa kayarian ng mga sistemang pampolitika, na tinatanaw magmula sa batayan ng kayarian ng mga lipunan. Itinuturing sina Charles-Louis de Secondat, Baron de Montesquieu at Alexis de Tocqueville bilang mga "amang tagapagtatag" ng antropolohiyang pampolitika. Kabilang sa mga kilalang antropologong pampolitika sina Pierre Clastres, E. E. Evans-Pritchard, Meyer Fortes, Georges Balandier, Fredrik Bailey, Jeremy Boissevain, Marc Abélès, Jo ...

                                               

Antropolohiyang porensiko

Ang antropolohiyang porensiko ay ang paglalapat ng agham ng antropolohiyang pisikal at osteolohiyang pantao sa isang tagpuang pambatas, karaniwan pang mga kasong pangkrimen kung saan ang mga labi ng biktima ay nasa masulong nang mga kalagayan ng pagkaagnas o pagkabulok. Ang antropologong porensiko ay makakatulong sa pagkilala ng mga indibiduwal na namatay na ang mga bangkay ay naagnas, nabulok, nasunog, naluray, napilas o hindi na makilala. Ang pang-uring "porensiko" ay tumutukoy sa paglalapat o paggamit ng kabahaging larangan na ito ng agham sa isang hukuman ng batas.

                                               

Antropolohiyang pangsikolohiya

Ang antropolohiyang pangsikolohiya ay isang kabahaging larangan na interdisiplinaryo na nagsasagawa ng pag-aaral ng mga prosesong pangkultura at pang-isipan. Ang kabahaging larangang ito ay nakatuon sa mga paraan kung saan ang pag-unlad at enkulturasyon ng mga tao na nasa loob ng isang partikular na pangkat ng pangkultura ay nahuhubog ng mga proseso ng pantaong pagtalos, damdamin, persepsiyon, motibasyon, at kalusugang pang-isipan. Sinusuri rin nito ang kung paanong ang pagkaunawa ng kognisyon, emosyon, motibasyon, at kahalintulad na mga prosesong pangsikolohiya ay nakapagpapabatid o nakak ...

                                               

Humanidades

Ang mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao ay mga disiplinang akademiko na nag-aaral sa mga kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ng malawakang pagsusuri, pagpuna, at pagbabakasali ; dahil sa tatlong metodong ito, itinatangi ang pag-aaral na ito - na tinatawag ding humanidades o umanidades - mula sa mga imperikong gawi na ginagamit sa mga likas na agham at mga agham panlipunan. Ilan sa mga halimbawa ng mga disiplina na may kaugnayan sa humanidades ang mga pag-aaral ng mga sinauna at makabagong mga wika, panitikan, kasaysayan, pilosopiya, pananampalataya, biswal na sining ...

                                               

Katayuang panlipunan

Sa sosyolohiya o antropolohiya, ang katayuang panlipunan o kalagayang panlipunan ay ang karangalan o ranggo ng posisyon o puwesto ng isang tao sa loob ng isang lipunan. Ang mga tao ay nagkakamit ng katayuan sa lipunan sa papamagitan ng sarili nilang gawa o pagsusumikap, at tinatawag na katayuang nakamtan o kalagayang nakamit. O kaya, ang mga tao ay nagkakaroon ng lugar o estado sa isang sistemang panlipunan sa pamamagitan ng pagkakapanganak sa loob ng katayuang ito, at tinatawag ang namanang posisyong ito bilang naitalagang kalagayan o nakatalagang katayuan.

                                               

Araling Amerikano

Ang araling Amerikano o pag-aaral na pang-Amerika, na matatawag ding sibilisasyong Amerikano at kabihasnang Amerikano ay isang larangang interdisiplinaryo na humaharap sa pag-aaral ng Estados Unidos. Pangtradisyong nilalangkap nito ang pag-aaral ng kasaysayan, panitikan, at teoriyang kritikal, subalit nagsasama rin ng mga larangan ibat iba na katulad ng batas, sining, midya, pelikula, araling panrelihiyon, araling urbano, araling pambabae, araling pangkasarian, antropolohiya, sosyolohiya, araling Aprikanong Amerikano, Araling Tsikano, araling Asyanong Amerikano, araling Amerikanong Indiyan ...

                                               

Bantayog sa Sangkatauhan

Ang Bantayog sa Sangkatauhan ay isa sa mga batong may ibat ibang hugis ng mga nilalang ng mundo, na matatagpuan sa mataas na talampas ng Gitnang Peru. Nasa Markawasi ito na nasa 12.500 mga talampakan ng Bulbundukin ng Andes. Si Daniel Ruzo, isang Peruanong manggagalugad o eksplorador, ang nagbigay ng pangalan sa monumentong batong ito na naglalarawan o may mga wangis o itsura ng apat na natatangi at magkakaibang mga lahi o lipi ng sangkatauhan. May taas na 85 talampakan ang batong bantayog at nakalagak sa hilagang bahagi ng nasabing talampas.

                                               

Biyolohiyang pantao

Ang biyolohiyang pantao ay isang larangang pang-akademya na kabahagi ng biyolohiya, antropolohiyang biyolohikal, at medisina, na tumutuon sa mga tao. Lubos na malapit ito sa biyolohiya ng mga primado, at isang bilang ng iba pang mga larangan. Kabilang sa mga sinasaliksik sa biyolohiyang pantao ang: Paglaki at pag-unlad ng tao Mga pagkakaibang biyolohikal na may kaugnayan sa klima at iba pang mga elemento ng likas na kapaligiran Biodemograpiya Paghahanap sa panganib ng karamdamang deheneratibo at sakit na nakakahawa para sa ibat ibang mga populasyon ng mga tao Mga pagkakaibang henetiko sa k ...

                                               

Pakikipag-ugnayan sa ibang tao

Ang pakikipagkapwa-tao o pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay ilang mga ugnayan, koneksiyon at interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Ito ay mahalaga upang tayo ay magkaroon ng Hanap-Buhay, makahanap ng mahal sa buhay at marami pang iba.

                                               

Pandarayuhan

Para sa ibang gamit, tingnan ang Pandarayuhan paglilinaw. Ang pandarayuhan o imigrasyon ay ang tawag sa pagpunta o pag dayo ng isang tao/grupo ng tao sa isang lalawigan, barangay, bayan, ibang bansa o isang mas malayong lugar. Sa Estados Unidos, tinatawag na new immigrant o "bagong dayuhan" ang isang mandarayo o imigrante na dumating sa Estados Unidos noong simula ng dekada ng 1880. Samantala, tinatawag namang old immigrante ang isang imigrante na dumating sa Estados Unidos bago ang dekada ng 1880.

                                               

Taong Tabon

Ang labi ng Taong Tabon ay nahukay sa Kuwebang Tabon sa Lipuun Point sa Quezon, Palawan, Pilipinas noong ika-28 ng Mayo, taong 1962, mga 22.000 taon na ang tanda. Ito ay natuklasan ni Dr. Robert B. Fox, isang Amerikanong antropolohista ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Ito ay isang fossilized na bungo. Nahukay ito kasama ng mga gamit nila. Ang hitsura ng homo sapiens ay halos kapareho nang ating pangangatawan. Ang kanilang utak ay katulad na ng mga kasalukuyang tao. Mataas ang noo na hindi gaanong matambok. Maliliit ang mga ngipin at mas maliit at nakausli na ang baba. Maunlad sila sa kaga ...

Diaspora
                                               

Diaspora

Ang isang diaspora ay isang nakakalat na populasyon na ang pinagmulan ay mula sa isang mas maliit na lokasyon sa heograpiya. Maaring tumukoy din ang diaspora sa paggalaw ng populasyon mula sa orihinal na bayang pinagmulan.